"What?!" ang hindi ko makapaniwalang sabi kay Mister M. ng makabalik ako sa agency.
"Tama narinig mo,na track na namin sya,gamit ang tracking device na kinabit namin sa phone nya"
"Ganun naman pala eh,edi puntahan nyo na ang batang yon" inis kong sabi.
"May I remind you Uriel that,its your duty,your mission? Now,puntahan mo na sya,nasa isang park lang sya at delikadong mag isa sya. That's an order agent U!" ma awtoridad na sabi nito. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.
See? Hindi pa kami nagkikita ng batang Winji na yan pero pinapasakit na nya ang ulo ko! He's really a pain in the ass!
Pinuntahan ko agad ang park na sinasabi ni Mister M. nasa baywalk na ito. Agad kong napansin si Winji dahil sa headband nyang kulay pink na may ribbon. Nakatalikod sya sa akin,nakaupo sa isang bench at nakaharap sa dagat.
Dahan dahan ako lumapit pero hindi ko ipinaramdam ang presensya ko. Napatigil ako dahil sa kumakanta pala sya,maganda ang boses nya at maganda ang kinakanta nya pero hindi ako pamilyar sa kanta na yon. Tumigil sya at bumuntong hininga.
"Haay! Ang hirap ng ganito Ma,Pa,buti pa kayo magkakasama na ng mga kapatid ko,ako naiwan dito mag isa,tinutukso,binubully dahil bakla daw ako,kaya ko sanang harapin ang mga iyon kung nandito kayo,pero iba na ngayon,buti nga kayo tanggap nyo ang pagkasino ko.. Ma,Pa,Kung alam ko lang na mangyayari yon,sana nag absent na lang ako para kasama nyo din ako ngayon. Ma,Pa,magagalit ba kayo sa akin kung susundan ko kayo dyan?" anito habang yumuyugyog ang mga balikat.
Tumayo ito,pumunta sa aplaya at tumayo doon patalikod sa dagat at pumikit. Magpapatihulog sya!
Shit! Magpapakamatay sya!
Mabilis ang pangyayari at agad akong nakalapit at hinablot sya.
"Huwag!" at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Bitawan mo ako!"
"Nababaliw ka na ba? Bakit ka magpapakamatay? Ang panget pa ng paraan ng pagpapaka matay mo!" sagot ko at bigla syang pumiksi kaya nabitawan ko sya. Tinitigan nya ako ng masama. Napalunok ako. Ngayon lang ako natitigan ng ganon. To think na bata at bakla pa ito.
"Sino ka ba? Napaka pakialamero mo! Hindi porket mas matanda ka sakin ay makikialam ka na!" singhal nito sakin. Dahilan para mag init ang ulo ko.
"Hoy bata! Talagang wala akong pakialam sayo! Nasasayang nga ang oras ko sayo eh. Pero dahil nasa panganib ang buhay mo kailangan kitang iligtas!" bulyaw ko din sa kanya. Natahimik sya at napalunok,tinitigan ako at biglang namula.
What? Bakit sya namumula?
"Nasa panganib buhay ko? Sino ka ba? Hindi mo naman kailangan gawin pa yon dahil gusto ko na din mamatay" ang mahina nitong sabi,pero sapat na para marinig ko.
"O sige,kung yon ang gusto mo,iwanan na kita dito,magsosorry na lang ako sa puntod ng pamilya mo" sabi ko at biglang nanlaki ang mga mata nya. Tss! Bakit ganyan mga face expression ng mga bata? Ang panget tingnan.
Sinadya kong tumalikod at maglakad na pabalik sa kotse ko,ngunit pinigilan nya ako sa paghawak sa braso ko. Nagulat ako at agad hinila ang kamay ko sa pagkakahawak nya,para kasing may kuryenteng gumapang sa kamay nya papunta sa akin. Ang weird.
"T-teka manong!"
Manong? The hell?
Humarap ako sa kanya na may seryosong mukha. Kakaiba ang batang to. Baka tumanda agad ako sa inis.
"Oh? Akala ko ba gusto mo ng mamatay? Maupo ka ulit dun sa bench at hintayin mo yung mga sindikatong papatay sayo" ani ko.
"K-kilala mo pamilya ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/7917055-288-k917387.jpg)
BINABASA MO ANG
I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMS
RomanceBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan ng lahat dahil sa murang edad ay multi-billionare na sya at may sariling bussiness na pinapatakbo,but nobody knows kung pano sya nagkakapera...