WINJI's Point of view
~ We had the right love at the wrong time.
Guess I always knew inside,I wouldnt have you for a long time ~
Haaay! Kamusta na kaya si kuya Uriel? Ako eto,tamang kinig ng Somewhere down the road sa ipod ko,breaktime kasi pero wala akong balak kumain. Nami-miss ko na si Kuya Uriel,ganito pala talaga pag inlove. Tiningnan ko yung sinulat ko sa likod ng notebook. Napabuntong hininga ako.
URIEL + WINJI + LEER = SAGADA
Haay! Sagada! Kailan kita mababalikan? Ikaw ang lugar na hindi ko makakalimutan,dyan ko na realize na mahal ko si kuya Uriel. Dyan ko naramdamang mahal ako ni Leer. Dyan ko ibinigay ang sarili ko kay kuya Uriel.
~ Letting go,is just another way to say, I'll always love you so ~
Napatigil ako sa pag iisip dahil sa lyrics. Tamang tama para sa amin ni Kuya Uriel,tumatagos sa puso ko.
~ We had the right love
At the wrong time
Maybe we've only just begun
Maybe the best is yet to come 'Cause ~
Wala na,pumatak na luha ko,para na akong baliw,sobrang nami-miss ko na talaga sya,dalawang linggo ko na syang hindi nakikita,nakaka praning,nakakawala ng katinuan.
~ Somewhere down the road
Our roads are gonna cross
again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road I know that heart of yours
Will come to see
That you belong
With me ~
Ano ba naman kasing kanta to? Bakit saktong sakto samin ni kuya Uriel? Kung tama ang kantang to,magkikita pa kami,at kung mahal nya din ako,ako na ang pinaka masayang nilalang sa buong galaxy.
"Tamang senti? Si kuya Uriel ang iniisip mo no?" napamulagat ako sa boses na yon. Kaya agad kong nilingon.
"Anong ginagawa mo dito Leer? Teka? Bakit may--"
"Ito yung matagal ko ng dapat sorpresa sayo after mo mabalian remember? Nag transfer talaga ako dito para lagi kang may kasama. Tingnan mo nga,wala na mga kaklase mo,tara kaen tayo my treat,tapos mag usap din tayo." ang mahaba ngunit nakangiting sabi ni Leer.
"H-ha? Sige!"
Pagkatapos kumain ay dumiretso kami ni Leer sa likod ng gymnasium,may mga benches kasi dun na pwedeng tambayan.
"Anong pag-uusapan naman natin?" ani ko ng maka upo. Medyo nawiwirduhan nga ako,kahit nararamdaman kong gusto ako ni Leer ay hindi ako naiilang,siguro ganon na katindi at kalakas ang bonding namin dahil sa Sagada.
"Alam mo Ji,para sa mga lalaking tulad ko,mahirap yung magkagusto kami sa kapwa lalaki,lets say sa bakla,tulad mo." panimula nya pero hindi sa akin nakatingin.
"Teka Leer,san patungo ang usapang to?"
"Makinig ka muna,you will realize something after hearing this." sabi nya at lumingon sakin. "Alam mo Ji,mahal kita,mahal kita ng higit sa kaibigan,pinigilan ko ito dahil alam kong hindi pwede,pareho tayong lalaki,pero pag pinipigilan ko,lalong lumalim ang pagmamahal ko sayo,I kept it ayaw kong malaman mo dahil gusto ko sanang manatili na lamang bilang kaibigan mo." dagdag nya.
Napanganga ako. Akala ko gusto lang nya ako,mahal na pala? Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi ko yon napansin?
"Lalong lumalim yung damdamin ko sayo nung nasa sagada na tayo,I decided na iparamdam na ito sayo and later on na ako aamin,pero nag iba ang lahat,nakikita ko ang pagtingin mo kay kuya Uriel na walang kasing lagkit,nung una,hindi ko iyon pinansin,pero pagkatapos nung gabi na hindi kayo nakauwi dahil sa ulan,napansin kong may nagbago sa inyo,lalo na nung matapos ka naming iligtas,I saw how he cries ng makita ka nya,sa ospital ikaw lagi tinatanong nya,nagpatibay pa noon ay yung kukunin natin ang gamit mo. Ang pagyakap mo sa kanya,ang pag iyak mo,ang pag ganti nya ng yakap. Alam kong hindi ko mapapantayan ang pagmamahal ko sayo sa pagmamahal mo sa kanya. Thats why,I decided na magparaya." mahabang dugtong ni Leer,I saw tears rolling down his gorgeous face,at hindi ko namalayang lumuluha na din pala ako.
BINABASA MO ANG
I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMS
عاطفيةBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan ng lahat dahil sa murang edad ay multi-billionare na sya at may sariling bussiness na pinapatakbo,but nobody knows kung pano sya nagkakapera...