Alex's POV
Isang linggo na ang nakalipas buhat sa nangyari sa'kin at kay Key with the gangsters. Ang pagligtas niya sa buhay ko. Kaya pala hinalikan niya ako.
I doubt kung halik lang na joke joke iyon kasi kakaiba siya humalik eh.
Siyempre, lalaki lang naman siya. Kapag tungkol na sa mga babae naging mahina. Mahinang umayaw sa mga landian. Tsk! Malandi ka pa rin Key. You tried to enter my mouth with your tongue ba naman. Diba drama lang ang lahat ng iyon no need to deepened the kiss. Hay naku!
Lalaine also explained to me what really happened that time. Kung bakit sila nawala bigla ni Benj. May binili lang pala sila sa convenience store at si Key naman, he asked them a favor na ihatid sa mansyon si Reah dahil nasiraan ito ng sasakyan.
Kaya sila natagalan. Hinanap rin pala ako ni Key para sana sabihan ako na hintayin ko muna sina Lalaine.
Di nila ako matawagan dahil naturingan na wala rin siyang load at lowbat si Benj. Nag-iyakan pa kami dahil sa sobrang pagtatampo ko sa kanya. But after hearing her side okay na kami.
After that night. These days ramdam ko ang mga matang sumusunod sa'kin. Parang binabantayan ang bawat kilos ko. Wala naman akong dapat katakutan dahil hindi naman talaga ako ang pakay nila but I decided to stay at my unit kapag tapos na sa studio kahit papano kasi kinakabahan pa rin ako.
Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon kapag naririnig ko ang salitang gangster, binibigkas ko mismo ang gangster at kapag may makita akong parang gangster. All about that gangster thingy! But really thanks to him.
There's a part of me na natatakot sa kanya dahil sa mga nalaman ko about him but just a little. He saves my life and Im very thankful for that.
Kinuwento ko pa nga lay Lalaine ang lahat. Nabigla rin siya and we keep it as a secret to everybody. Even Benj buong pamilya siguro niya ay hindi alam ang katotohanang iyon.
Kakatapos ko lang mag shower. I decided to watch a movie since hindi pa naman ako inaantok. Mataas pa ang energy ko, ewan ko ba. Nang biglang may nag doorbell. Kinutuban na naman tuloy ako. Tinubuan na ata ako ng sakit sa nerbyos simula sa nangyari sa akin last week.
Tinungo ko ang pintuan ngunit nakatitig lang ako doon sa pinto.
What if..gangsters na naman iyan..wala akong kalaban laban pa naman.
My cellphone beeps. Si Lalaine pala nag text.
[Open the door bff. This is me!]
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Nakahinga rin ako ng maayos. Pinagbuksan ko ng pinto si Lalaine. Nagulat pa ako sa outfit nito.
"Let's bar tonight!" Sabi niya sakin with matching taas-baba ang kilay at umupo sa sofa.
*****
Nagbihis na ako dahil wala akong choice. Kung makapilit itong nocturnal na 'to parang the end of the world na bukas.
Since nabagot naman ako at energetic ako tonight so I grab it. Kinuha ko ang silver and white kong sling bag na maliit at lumabas na ako sa kwarto matapos ang pag-aayos sa sarili.
"Holy sh--- Alex!" Bulalas ni Lalaine
"What?!" napaigtad naman ako sa gulat.
"Juicecolored! Hindi tayo pupunta sa simbahan! Oh my! Ako na nga mag-aayos sayo!" Hinatak niya ako papasok sa kwarto. Kinaladkad ako ng loka. Walang modo rin eh no.
BINABASA MO ANG
Kiss Back Or You're Dead
Romance"Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises." -Lori Wilhite