Chapter 23

154 3 0
                                    

Kunot noo niya akong pinagmasdan. Ngunit di naglaon ay may sumibol na ngisi sa labi niya. Ngiting di makapaniwala.

"Ikaw iyon?" Aniya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. Bat ang saya niya? Gago to ah!

"Ang layo ng itsura mo noon. You're wearing big eyeglasses at may highlights ka pa sa buhok mo. Then you're so thin." Namamangha niyang sabi.

Gandang di mo inakala lang, ganon?

Tinulak ko siya at pinaghahampas.

"I was your first kiss and I was your first-" aniya na kaagad pinutol ng bulyaw ko.

"Ang sama mo!" Napaupo na ako muli sa kama at humihingal. Nagkakagulo na ang kalooban ko. Di ko na mawari ang halo halong emosyon na nararamdaman ko.

Pumatak bigla ang luha ko sa sobrang inis ko. Batid kong naalarma siya at agad yumuko sa akin. Umupo na siya ngayon sa tabi ko.

He lifted my chin to meet his eyes. Wala akong lakas at napasunod sa gusto niya. Ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay nalulungkot ngunit nandoon pa rin ang kislap.

Pinahiran niya ng hinlalaki niya ang luha ko.

"I'm too young that time and mapilyo, sobra. I'm sorry for that. Palagi kasi kitang nakikitang dumadaan noon, you caught my attention. Hinihintay kita lage doon, alam mo yun. Di ka naman ganon kaganda noon pero you got my eyes.."

Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. "I'm sorry. Akala ko kung hahalikan kita, magkakagusto ka na sa'kin.." He added.

"Ha?!" Nagulat ako doon.

Ngumiti lang siya. Binasa ang kanyang labi at napatingin sa sahig.

"Simula noon, naghintay ako lage doon. Gusto kong mag transfer ka sa school namin pero wala akong nagawa, bata pa ako masyado. Limitado lang ang kaya kong gawin.  Hanggang tuluyang kinalimutan ko na lang ang batang iyon." Then he glanced at me.

"Pero hindi lahat ng babae ganon Key. Hindi ako kagaya ng ibang babae kapag nandyan ka natatangay agad. Kahit sobrang gwapo at hot mo, di ako ang tipong ganon. "

Munting tawa ang kumawala sa kanya. Ngunit napalitan iyon ng pagiging seryuso nang mapansing matalim ko siyang tinitigan.

"I know. Ikaw lang ata ang nakakatiis sa'kin eh. Naiinis ako noon, akala mo kung sinong maganda, ang swerte nga kasi nahalikan ko.."

Tinaasan ko siya ng isang kilay at sinimangutan. Hinampas ko siya sa ulo.

"Hindi naman kasi ikaw ang type ko. Isa pa, iyong barkada mo ang crush ko nun kaya palagi akong dumadaan doon.." Nakanguso kong pagtatapat.

"Ouch. For all of my life ngayon ko lang narinig yan mula sa isang babae. Tss! Sino ba crush mo nun?" Pabiro ngunit naging seryuso bigla ang ekspresyon niya.

"Yung unang tumawag sayo noong tumatakbo na ako palayo sayo.. Siya iyong crush ko noon. Anong pangalan nun?"

Matagal siya bago tumugon. Pilit inalala ang nakaraan.

" Si Red? Yun ang type mo? Yuck."

"Whoa! Kung maka yuck to! Ang bading mo.."

"Oo. Aanakan ka ng bading na'to Alex. " He stares at me.

Natigilan ako at sinapak siya sa braso.

"Noon pa man baliw na pala ako sayo, akalain mo.." Nakangisi na siya sa kawalan.

Nag goosebump naman kaagad ako dahil sa sinabi niya. Nanaginip lang ba ako? Tinatapik ko na ang magkabilang pisngi ko. Palakas ng palakas. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit.

Kiss Back Or You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon