Naging masaya ang pagbisita namin sa condo ni Joy. Napuno ng kantyaw namin. Kaya nag mukha tuloy kamatis.Nag-iinuman sila na hindi ako sumali. Wala ako sa mood uminom, moody ako sa aspect na iyon eh. Sa katigasan ng ulo ko, di nila ako napapayag.
Nakompirma ko kanina kay Joy nang napag-usapan namin ang background ni Red. He mentioned Kyros De La Fuente. Barkada niya raw noon sa probinsya pa sila nag-aaral ng highschool. Pareho silang transferee doon.
Ang crush ko noon na kinababaliwan ko na barkada pala ni Key ay suitor ng kaibigan ko ngayon. Ang galing.
Pasado alas onse na akong hinatid ni Lalaine sa bahay. Di ko na tinawagan si Key para sunduin ako baka tulog na yun.
"Pero hindi man lang ba siya nag-aalala? Sana tumawag man lang siya diba?" Sabi ko sa sarili habang papasok na sa bahay.
Naagaw ang atensyon ko sa nakabukas na TV at ang sahig ay may mga dvd tape. Nakita kong nakatulog na sa couch si Key.
Nilapitan ko iyon. Pinulot ko ang mga dvd tapes.
"Mga love story to ah?"
Mayamaya ay napahagikhik ako. Di ako makapaniwalang napatingin sa tulog na Kyros. Nakabuka pa ng slight ang bibig nito.
"Really huh? Anong nakain neto?"
Mahabang sandali ko siyang tinitigan.
"Sana palagi kang nakapikit para may laya akong titigan ka ng ganito. " sabi ko at bumuntong hininga.
Natigilan ako sa sarili ko nang napagtanto ang mga nasabi ko. Tumayo ako ng maayos habang bitbit ang isang dvd tape.
Napabuntong hininga na naman ako nang bigla kong nabitawan ang bitbit kong dvd tape at nahulog iyon sa mukha ni Key.
"Patay.." Napangiwi ako.
Kumilos ito ng marahan. Nakagat ko ang labi ko habang unti-unting umaatras.
Unti-unti itong dumilat.
"Umakyat ka na sa kwarto-" agad kong sabi ngunit di ko iyon natapos.
Parang kidlat itong tumayo at pinatay ang TV. Iniligpit ang mga dvd tape sa sahig.
Pigil naman ako sa ngisi ko. Sinulyapan niya ako.
Teka, totoo ba tong nakikita ko? He's blushing. Kinusot niya ang mata niya at napahaplos sa ulo niya pababa sa batok.
"Kanina ka pa nakauwi?" Parang wala lang ay sinabi niya.
"B-Bago lang."
"Bat di mo ko tinawagan? Sinong naghatid sa'yo?"
"Si Lalaine."
Matagal ang naging titigan namin. May sasabihin sana ako ngunit di ko na iyon mabigkas. Nangungusap ang mga mata niya sa'kin.
"Lika na. Matulog na tayo."
Kinuha niya ang kamay ko at tinahak ang hagdan. Nagpatianod naman ako sa kanya.
Hanggang nasa kwarto na kami ay di pa rin niya pinapakawalan ang kamay ko. Isinarado na niya ang pinto.
Tumigil ang hininga ko ng niyakap niya ako ng mahigpit.
Sa higpit ay parang madudurog ang mga buto ko.
"A-aray Key.." Napangiwi na ako.
Malalim ang buntong hininga niya.
Pinakiramdaman ko siya habang nasa ganoon pa rin ang ayos namin.Nakagat ko ang labi ko nang napagtanto ang naramdamang bakat sa puson ko. Sa lagay na yan, hindi pa siya turn on eh ramdam ko na. That effing boxers! Hindi siguro ito nag bi-brief kapag naka boxers?
BINABASA MO ANG
Kiss Back Or You're Dead
Romance"Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises." -Lori Wilhite