Sa ilang buwan naming pagsasama ni Key simula ng makasal kami ay pangatlong beses pa ako nakapunta rito sa mansyon nila.
Masaya kaming naghapunan sa malaking veranda nila. Nandoon din si Babes at Rain. Ipinakilala nga niya sa'kin ang pinsan niyang si Rain. Nahiya ako sa sarili kong conclusion dati.
Napag-usapan din namin si Key na parating sumama noon sa kanilang mag pinsan tuwing wala na siyang trabaho. Nakmgtataka silang lahat ngunit tahimik lang parati si Key tungkol dun.
Kainuman niya ang mga lalaking pinsan niya. Ang mga babae namang pinsan ay iba ang trip o kung umiinom iyong ladies drink lang.
Lingid sa kaalaman nila ang estorya behind our marriage. Akala nila nagmamahalan talaga kami ni Key.
Nagkatinginan kami ni Key bago sinulyapan ang mga mukha ng dalawa niyang pinsan at ang mga magulang niya na masayang sumusubo. Hinihintay ang magiging sagot ni Key.
Kinabahan man ay di ako nagpahalata.
"Away mag-asawa lang." Tipid niyang sagot.
"Ano ngang away mag-asawa kuya?" Si Babes.
"Sobrang busy ko kasi sa trabaho, wala na akong time kaya medyo nagtampo.." Ako na ang sumalo at medyo nahiya pa ako. Naging natural marahil tignan.
They both giggled. Napangiti naman ang mga magulang ni Key.
"Ang bading mo Kyros!" Bulalas ni Rain na kasing edad niya.
"Sa amin ng boyfriend ko ako yung masyadong matampuhin eh..kahit maliit na bagay!" Rain added.
"Tss." Aniya at tiningnan ako. Magkaharap kami ngayon sa hapag. Nasa tabi ko ay ang mommy niya.
Tuloy-tuloy ang masayang usapan namin doon. Dumako sa business ang pinag-uusapan nila. Hanggang napunta ito sa bakasyon.
Ang dalawa ay maraming magagandang lugar na sinambit. Kasama ang mga pinsan at isang gusto nilang isama doon.
They will update us kung nag meeting na sila ng magpinsan for the specific dates at lugar. Para mapaghandaan din namin at makapag leave kung hindi masyadong busy sa studio.
Pagkatapos ng hapunan nagpaalam ang dalawa dahil may night out sila ngayon kasama ang mga kaibigan.
Medyo tahimik na at lumalalim na ang gabi.
Nasa terrace kami nila ngayon. Kami lang dalawa ni Key. Sumandal kami sa railings at tinanaw ang ganda ng view. Tumingala ako sa kalangitan nang magsalita siya.
"May ipapakita ako sa'yo..'lika." Aniya. Lumakad ito na nakahawak na sa kamay ko. Sumunod naman ako.
May isang silid kaming pinasukan. Wala ng ibang gumagamit doon pero alagang-alaga pa rin ito.
"Dito na ako matutulog ngayon.." Umupo ako sa kama. Nagandahan ako sa silid, may pagka feminine.
"Eh dito na rin ako matutulog kung ganon." Aniya na parang wala lang sa kanya. Parang normal na talaga sa kanya.
"Tss! Feminine ang aura ng kwarto nato, dito na rin natutulog ang mga babaeng pinsan mo?"
Tumango siya. Lumapit siya sa isang sulok at nakita ko ang bitbit niyang larawan.
Dumikit ang tingin ko sa larawan. Isang binatilyong nakaakbay sa mas batang babae na sobrang ganda. Nangunot ang noo ko.
"Sino sila?"
He chuckled. "That's me and my little sister."
Namilog ang mga mata kong tiningnan ang gawi niya. Pinagmasdan ko ang buo niyang itsura at kinumpara iyon sa larawan.
Matagal ko bago nakita ang significance nila. Tiningnan ko siya nang di makapaniwala. Biglang may memoryang nag flashed back sa akin.
May bumangga sa akin habang naglalakad ako sa labas ng super sikat na private school noon sa bayan namin. Gusto ko lang sanang dumaan baka makita ko ang crush ko doon na mahilig tumambay sa tapat ng gate kasama ang mga kaibigan. Ganon ako ka-engot noon. I was a grade 7 that time.
Tiningala ko ang matangkad na nilalang. Nagsasalubong na ang mga kilay ko.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ah!" Bulyaw ko sa kanya.
May kahabaan ang buhok niya at may hikaw na itim. May piercing pa sa gilid ng mapupula at katamtamang kapal ng labi nito.
Mukha siyang bad boy ngunit wala akong pakialam. Naiinis ako kapag nakakakita ng may bad boy image. Kahit sobrang gwapo pa niyan!
Ewan. Naiirita lang talaga ako! Nahahambugan ako sa kanila at ayaw ko ng mga hambog. Mas gusto ko ang mga may maaamong mukha.
Matalim at seryuso niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa.
"Hah! Anong ginagawa ng taga public school sa tapat ng school namin?"
"Excuse me! Anong pakialam mo! Eh dumadaan lang naman ako rito! Nasa labas naman ako ng school niyo ah! Back off!"
Ngunit sa halip ay nagsimula itong naglakad palapit sa'kin. Dahil sa kaba ay inayos ko ang mga salamin ko sa mata at napapaatras na ngunit nasa mukha ko pa rin ang pagiging palaban. Hindi ko pinahalata ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Hanggang napasandal na ako sa sementong pader doon. Napalunok ako. Ang ilang mga estudyanteng dumadaan ay nakatingin na sa direksyon namin at nagbubulong-bulongan.
"Di ka ba marunong magsalita ng hindi nakasigaw?" Inilapit nito ang mukha sa akin. Namilog naman ang mga mata ko.
Mas lumitaw ang taglay niyang kagwapuhan kung titigan ito sa malapitan.
"Alam mo kung anong ginagawa sa mga babaeng maiingay?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Unti-unting bumaba ang ulo niya upang maging ka lebel sa akin at sinakop bigla ang labi ko.
Naitulak ko siya ng buong lakas ko.
"Asshole!" Sigaw ko at tumakbo. Natanaw ko ang crush ko doon sa gate kasama ang mga kaibigan nito. Kakalabas lang nila.
Dumapo ang tingin niya sa'kin habang tumatakbo ako. Ngunit ang tingin na iyon ay tila rin napadaan lang sa akin.
Ang kanilang mga mata ay nasa gawing likuran ko.
"Hoy dre! Sumusulpot ka na lang bigla bigla ah! Sa'n ka ba galing?!" Patawang sabi ng crush ko.
Medyo nilinga ko ang likuran ko at nakita ko ang walang modong nagnakaw ng first kiss ko.
From that day on, di na ako bumalik doon. Pilit ko na ring kinalimutan ang bawat pangyayari at ang lalaking iyon. Hindi ko tanggap na siya ang first kiss ko.
Tumititig ako sa mukha ni Key at ang nasa larawan. Siya raw ang nasa larawan. Ngunit ang nasa larawan ay ang lalaking nagnakaw ng halik sa akin.
Ang halos isinumpa kong lalaki at si Key ay iisa? Laglag ang panga kong napatingin sa kabuuan niya ngayon.
Ang laki ng pinagbago niya ngayon kung ganon. Dahil na rin siguro sa haba ng panahong lumipas. Ang layo ng itsura kumpara sa looks niya ngayon.
Naalala kaya niya ako? Inilihim lang kaya niya iyon?
"Hey! Is something wrong?" Aniya. Puno ng pagtataka ang mukha niya ngayon.
"Ikaw. Ikaw yung bastos na humalik sa akin!"
Gulat at pagtataka ang nasa mukha niya. Naniningkit ang mga mata kong pinukol sa kanya.
Sinabi ko lahat sa kanya ang nangyari kahit ayoko na sana iyong alahanin. Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita.
"Ikaw ba yon? Ha?! Tell me Kyros. " Dinuro ko na siya habang nakatayo na ako ngayon sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Kiss Back Or You're Dead
Romance"Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises." -Lori Wilhite