28

2.5K 49 0
                                    

Panibagong araw na naman. Paniguradong panibagong problema na naman. As usual, morning rituals hanggang sa nakapagready na ako for the meeting. Maaga na naman ako. Sabi ko rin kay Fera na sa Ysidro's Restaurant na ang meeting place, para naman kahit papaano ay may assistant na ako. Nakakapagod magisa. Harujuskupo nagdrama na naman ako.

~♡~

"Do you agree?" Pagtatanong ko sa kameeting ko ngayon pangalawa pa lang yan ah.
"Contract?" Binigay ko na sa kaniya yung contract. Parang kaharap ko yung sarili ko, ganito ako pero mas malala ako kase kahit papaano siya ngumingiti, ako? Nganga, ngingiti ako, kapag walang tao at ako lang magisa.

Napirmahan niya na mabilis naman siyang umalis, ilang oras pa ako maghihintay? Hayst. Napagdesisyunan ko na mamayang gabi na namin kukunin si Ghun. Pinalagay ko na rin yung bombs. Kaunti lang pinalagay ko. Yung tipong every poste lang naman hehe.

Tinawagan ko si Spark kung anong balita...

[They're finish] very good
"Just wait for me, then sabay sabay tayong pupunta" tapos inend ko na yung call. Gusto ko munang matulog. Pero hindi pede. Baka mamaya biglang dumating dito yung mga magmemeeting, nakakahiya.

~♡~

{A/N: sorry kung fast forward ng fast forward nakakaloka magisip ng mga isisingit pag wala siyang ginagawa eh, sige, magbasa ka na uli}

Pinipirmahan na ng huli kong kameeting ang contract. Ngayon ko lang narealize na, lahat ng suppliers na nameeting ko na eh lahat ay pumayag. Tapos yung iba 10 minuto ko pa lang kinukumbinsi okay na. Tsaka ko na iisipin yan, kailangan ko ng makauwi at makapaghanda.

Nagdrive na ako papunta sa bahay. Ilang minuto lang ang inabot ko papunya sa bahay dahil wala na masyadong traffic.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay eh, syempre bumulagta sa harap ko ang buong org na nagaayos ng baril at mukhang naghihintay sa akin. Mukhang excited sila.

Dumiretso ako sa room ko, kinuha yung suit ni mommy sinuot ko yun. Nagpontail rin ako tsaka ako bumaba kasama ang mga baril ko at syempre ang aking favorite katana hehe. Mahilig talaga ako sa swords eh.

"Everybody ready?" Nung tinanong ko sila eh kaniya kaniyang hiyawan ang narinig ko. Tumayo muna ako sa harap nila.
"Okay, so everybody you know all what to do. Don't do stupid things, and Good Luck to all of you, now off we go." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanila.

Kaniya kaniya na sila ng tayo. Tapos ako syempre sumama sa akin ang bawat leader ng iba't ibang groups na inassign ko. Maayos na rin naman na ang lahat, nasa truck kami. Sa likod nun kase nanduon ang mga monitors ng cctv cameras na pinakabit ko. Wala pa naman sigurong nakakaalam na susugod kami or posibleng alam na nila tapos nakaplano na rin sila ng gagawin, well kung ano man ang plano nila, wala na akong pake.

Nakatutok lang kami dun sa monitor habang isa isa ng nagsilagay ng earpiece. Si Darrell at Janice lagi ang eagle eye namin. Maayos na rin un.

Ilang minuto lang ng pagtambay sa loob ng truck eh tumigil na ito at sa palagay ko..

"We're here" si Lauderdale yan. Naweweirduhan ako kay Lauderdale this past few days, tsaka na ako magiimbestiga pag tapos na ito.

Binuksan na nila yung pintuan para sa likod ng truck. Ayos, ganito pala ito sa malapitan huh? Abandonadong abandonado na.

"Scarlet, try to enter at the front door, no one will hurt you, promise." Nagtaka naman ako, pero ayos na rin walang makakasakit sa akin dun. Pero imposible na walang tao dun. Hays, bahala na. Sa ngayon ang magagawa ko lang ay ang pagkatiwalaan si Spark, I know Spark for a long time, and i always trust her.

Mafia Queen (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon