Question: Bakit may mga taong umaasa?
From our author: lilbittergurlPaninda:
Tulad ng love, it's complicated. Hindi mo alam kung anong gagawin mo, give up? move on? let go? Lahat 'yan sinasabi ng isip mo, ang lakas ng sigaw. Alam mong tama ang mga isinisigaw ng isip mo, pero merong maliit na boses na pinaglalaban na "mamahalin ka rin niyan, malapit na!"
At ang nakakamangha, sa mga sigaw na palaging pinapaalala sa'yo na tumigil ka na, sinasaktan ka lang niya, makakahanap ka rin ng iba, marami pang tao diyan hindi lang siya... yung maliit na boses na bumubulong ang pinapakinggan mo.
Yung maliit na boses ang pinapaniwalaan mo.
Dahil lahat tayo gustong magmahal at mahalin. Ang hirap lang dyan, kapag nagmahal ka na, gusto mo mahalin ka rin niya pabalik. Kaya gumagawa tayo ng dahilan upang hindi bumitaw sa kanya, upang hindi mawalan ng pag-asa na kaya ka rin niyang mahalin. Naga-assume tayo ng mga bagay na hindi totoo. So 'yan ang unang rason kung bakit may umaasa.
1.) Assuming
Isa pang problema kapag nagmahal tayo, ibibigay natin yung best natin. Lagi natin silang pinapasaya, pinapangiti, pinapatawa. Dahil isa lang naman ang gusto natin mangyari - ang sumaya sila, kahit na tayo yung masasaktan. At ngayong hindi mo alam kung mahal ka niya o hindi, umasa ka pa rin kahit masakit na. Dahil natatakot ka kung may magmamahal sa'yo pabalik, katulad ng pagmamahal niya, kapag bumitaw ka pa sa kanya. Natatakot kang walang magmamahal sa'yo.
2.) Takot mawalan ng pag-asa na may magmamahal sa atin.
At kung may umaasa - alam kong sawa na kayong marinig ito - meron rin kasing "PAASA". The Great Paasa. Binibigyan ng motibo na may feelings siya para sa'yo, pero sa totoo lang, pinagtri-tripan ka lang pala. Magaling kasi siyang mangg*go (sorry for the word) Pinaglalaruan lang pala yung pagmamahal mo o kaya dare lang. At ang masakit... ginawa pa rin niya iyon. At kapag nalaman mo yung pinaggagawa niya? Shit, hindi ka na tulad ng dati. Baka matakot ka pang magmahal niyan kasi alam mong masasaktan ka lang. Masakit kasi. Gusto mong i-try?
3.) Dakilang Paasa.
At ang last...
Hindi ka man assuming, hindi ka naman takot mawalan ng pag-asa na may magmamahal pa sa'yo, at hindi ka rin naman pinaasa. So, bakit ka umaasa? Let's face the truth, sobra mo lang mahal yung tao. Na kahit nasasaktan ka na, kahit alam mong walang pag-asa, gusto mong ipagpatuloy. Kasi sayang yung katulad niya, alam mong kahit hindi kayo, gusto mong hawakan lang siya at 'wag na siyang pakawalan. Umaasa ka na balang araw... maging sa'yo rin siya. Mahal mo talaga siya, at 'yon ang masakit.4.) Sadyang mahal mo siya.
Sana nagustuhan niyo yung paninda ko :) Lugi? Benta? Sulit? Comment ka lang. Share your questions - este - paninda sa akin, at ibebenta ko 'yan dito sa aking tindahan.
P.S. i hope na nagustuhan mo yung sagot ko sa tanong mo iha lilbittergurl . salamat sa iyong paninda! come back again! :)
- manang_birtud
BINABASA MO ANG
Nagbebenta ng mga advice
RandomNaguguluhan ka na? Bigyan ng advice 'yan! We're open 24/7!