Question: Who would you rather choose? Your Prince Charming or your Knight in Shining Armor?
From our author: Strawberry_GoddessPaninda:
Dalawang klase ng tao, pero parehong pinapasaya ka lang din, hindi ba? :)
Para sa'yo ito na ang perfect na metaphor para gamitin sa kanila. Si Prince Charming at si Knight in shining armor.
Para sa'yo, this is Prince Charming. Yung lahat ng gusto mo sa isang tao, nasa kanya na! Yung tipo ng tao na gusto mong mahalin, present sa kanya. Gwapo, mabait, lovable, matalino, gentleman, at charming. What more do you want? Dahil simula noong bata ka, nakikita mo na si Prince Charming ang nagpapasaya sa Prinsesa. And you loved that idea. Pero sa reyalidad, para sa'yo, si Prince Charming ay yung taong mahal mo pero hindi ka mahal. Masakit, ang sakit na hindi ikaw yung Prinsesa.
But what about him?
Paano si Knight in Shining Armor? Akala ko ba si Prince Charming ang palaging nagliligtas sa prinsesa? Pero hindi rin pala. Nandito rin 'yang si Knight. Yung handa tayong ipaglaban, protektahan, ipagtanggol, depensahan sa lahat ng bagay, at ang importante, mahal ka niyan brad. Asan ka pa right? Pero 'to ang mahirap, hindi mo siya mahal.
Ang sakit lang 'no? Gusto mo si Prince Charming pero hindi ka niya gusto. Mahal ka ni Knight in Shining Armor ngunit hindi mo naman mahal.
Sakit lang sa bangs ni tadhana.
Although dapat i-advice ko sa'yo na makinig ka na lang kay KZ Tandingan, yung song niyang: Mahal ko o mahal ako... pero ito ang sasabihin ko.
Think.
Isipin! :) Give your Knight in Shining Armor a chance, isipin mo na lang yung mga sacrifices na ginawa niya para sa'yo, yung love niya para sa'yo. Hindi mo man makita, pero baka kaya mo siyang mahalin. Pero may mga tao talagang kinakaibigan na lang, friendzoned kumbaga. Kung mahal ka niya, maiintindihan niya 'yon.
Kung hindi mo mahal, 'wag mo na pilitin ang sarili mo. Masasaktan lang kayong dalawa. Pero 'wag mo naman kalimutan na pasalamatan siya sa mga efforts niya, hindi man maging mutual ang feelings, atleast napasaya mo siya. Promise 'yan ;)
At para hindi na umasa si atche 'no! Bahala ka, baka magpost pa 'yan ng:
Umaasa mode: on.
#KnightInShiningArmorButHasABrokenHeart #Huhubells*pasok si Prince Charming*
I say, si Prince Charming na lang. Kasi mahal mo na eh. Kung hindi mo mahal si Knight, it's better na mageffort ka na lang sa taong gusto mo. You might never know, baka ikaw pala ang prinsesa ng buhay niya. Yung kaya rin maging Knight in Shining Armor mo, yung mamahalin ka pa. Basta ipakita mo yung love mo at ipakita mo kung paano ka magmahal. Prince na nga, Knight mo pa! Parang burger lang, buy 1 take 1 kumbaga.
Pero kung hindi happy ending at hindi ka gusto ni Prince Charming, marami pang prinsipe dyan na wala pang prinsesa na mamahalin!
Hanap-hanap ka lang dyan.
At makikita mo rin siya.
Hindi man siya prinsipe...
Hindi man siya Knight...
Pero siya yung taong mamahalin ka at ipaparamdam sa'yo na ikaw lang ang Prinsesa niya, kahit wala kayong palasyo at magagarang damit.
As long as happy lang, walang ending.
Ang dami ko na mga paninda, at dahil 'yon sa mga nagrereply sa akin wih their problems! Maraming salamat rin sa mga nakakachat ko at nageeffort, i love you po, promise. Hindi po ako paasa XD HAHAHA Lol.
P.S. salamat kay iha Strawberry_Goddess at bumalik ka ulit sa tindahan ko! T_T thank you ulit sa paninda mo, thanks for trusting me. Sana matupad yung fairytale mo :) ingat ka sa buhay pag-ibig! ♡
- manang_birtud
BINABASA MO ANG
Nagbebenta ng mga advice
SonstigesNaguguluhan ka na? Bigyan ng advice 'yan! We're open 24/7!