Question: Is it true that if someone was once a player, he will always be one?
from our wattpader: Strawberry_GoddessPaninda:
Ano ba pumapasok sa isip natin kapag naririnig natin ang salitang Player ?
Yung pinaglaruan tayo? Yung one of the choices lang? Yung isa lamang tayo sa sandamakmak na babae? At ang mas masakit... yung niloko lang tayo? Juice colored. Hindi naman tayo nasa isang laro at mas lalong hindi tayo toys, bakit tayo pinaglalaruan?"Once a player, always a player"
Totoo nga ba iyan? Lahat tayo may pinagdadaanan, let's face it. At dahil dyan, maari tayong magbago. Pero 'yun nga ang isa sa reasons kung bakit hindi niya forever lalaruin ang feelings mo! Porket nilaro ka lang minsan, habangbuhay na silang player? 'Wag ganun.
1.) Change
Sabi nga nila, "the only permanent thing in this world is change" Lahat ay nagbabago. Hindi lahat ng manloloko, manloloko forever. Hindi lahat ng paasa, paasa forever. Hindi lahat ng nang-iiwan, mang-iiwan forever. Kung sa kanila walang forever, sa player mo pa kaya? Magsasawa rin siya. Just show him a little love. Magbabago 'yan.
2.) Gusto niya rin maranasang mahalin.
Believe me or not, ito ang pinakadahilan kung bakit hindi totoo ang quote na 'once a player, always a player' na 'yan! Tao rin sila, nasasaktan. Hindi man nila ma-realize ngayon, pero darating ang panahon at makikita nila ang halaga ng pagmamahalan. Lahat naman tayo diba? Magkasala man sila ngayon, gusto pa rin nila ang idea na merong nagmamahal sa kanila. Gusto niya sa buhay niya, na kahit isang tao lang ang nagmamahal sa kanya, atleast sigurado siyang hindi siya lolokohin. Tao lang naman kasi siya. And it's up to you na ipakita at baguhin siya.
Show him.
Show her.
Show everyone.
Love will mend the broken ones.
Yay! 2nd customer! (•o•)
Just send me your questions (paninda)
Feel free to comment anything! :D
Lugi? Benta? Sulit? Lemme know what you think.P.S. sana nasagot ko yung tanong mo sa akin iha Strawberry_Goddess :) salamat at pinagkatiwalaan mo ako! Thank you for everything, at... goodluck ate! Show him ;)
- manang_birtud
BINABASA MO ANG
Nagbebenta ng mga advice
RandomNaguguluhan ka na? Bigyan ng advice 'yan! We're open 24/7!