Question: Bakit pinipili ng tao na masaktan siya sa taong mahal niya, kahit di siya gusto nito?
From our author: jbrainePaninda:
Kung titignan natin iha, tanggap na niya eh. Alam niyang walang gusto sa kanya yung tao, at kapag naiisip niya yun... karamihan sa atin, magigive up. Pero sa sitwasyon na binigay mo sa akin, pumili yung tao.
To love or not to love?
Magmahal o 'wag magmahal?'Yan lang naman yung choice niya sa buhay, at ang pinili niya ay ang magmahal. Alam niyang hindi siya gusto at alam niyang masasaktan lang siya, so why love at all?
1.) Brave and smart.
Matalino kasi siya :) imbis na magmukmok na lang sa sulok at magtanong sa sarili kung bakit hindi nagkagusto sa kanya yung tao, tinanggap niya yung totoo. Alam niyang hindi siya gusto, pero sinubukan pa rin niyang magmahal.
Yung mga taong nagsasabi na t*nga (sorry for the word) yung mga taong hindi pa rin sumusuko? Sila yung mga taong walang pasensya. Pero itong tao na 'to, may faith kasi siya. Na kahit alam niyang wala na talaga, alam niyang may hope pa. And that is beautiful, rare lang ang mga ganyang tao. Hindi ibig sabihin na unang beses ka niyang hindi sinulputan sa date niyo, may pangalawa naman diba? Just wait ;)
And brave siyang tao.
Kasi hindi naman lahat kapag nasaktan na, titigil na sila. Pero tignan mo nga ito oh! Ipinagpatuloy pa rin, alam niyang love will hurt her, pero sumabak pa rin siya. Hindi siya takot masaktan dahil alam niyang makakabangon rin siya sa pagkahulog sa taong iyon. She will take the risk, the fall, the hurt... kasi alam niyang in the end kung sakaling minahal siya, it will be worth it.
At ang ganda lang, diba?
2.) Umaasa siya.
Let's face it, kahit na alam mong hindi ka niya gusto, kahit na itinataboy ka na, kahit rejected ka na, it won't let you down. Alam kong lakas kong maka-rexona, pero 'yan ang totoo. Hindi ka basta basta sumusuko. Dahil kahit hindi ka niya gusto, umaasa ka doon sa mga binabalik niyang ngiti, yung mga binibigay niyang tawa, yung mga bonding moments niyo, at yung mga oras na magkasama kayo. Maliliit na bagay pero mahahalaga naman.
For the sake of love, pinili mo pa rin na masaktan dahil lang sa mga maliliit pero magagandang bagay.
Maliit na bagay nga, pero nakakapagpasaya naman sa'yo, diba? What more do you want?
At ang panghuli...
3.) You love the moments.
Sino bang tao ang gustong masaktan diba? Sira ulo na lang yung mga taong ganun! Lol. You love the moments. Ayaw mo nga masaktan pero pinili mo pa rin, kasi minahal mo yung mga times na nag-uusap kayo. Minahal mo yung time noong ikaw lang yung nilapitan niya. Minahal mo yung time na kayo lang dalawa ang magkasama.
Ang sarap sa pakiramdam.
Kaya mas ginusto mong damhin na lang yung sakit, kasi ang kapalit naman ay saya. And that's just the only thing that you want in this world, happiness. Right? :)
Para sa'yo, to love or not to love?
EHMEGESH. Fourth customer! T_T thank you po talaga sa mga nagrereply sa akin with their questions, bless you and your lives! ♡
Thank you po sa trust, and feel free to comment down ng 'Lugi, Benta, o Sulit' Just message me, thanks!P.S. sana naman ngayon masagot ko ulit ng tama iha jbraine :) thanks sa support and all ♡ i'll make sure to support you too ;) salamat! come back again!
- manang_birtud
BINABASA MO ANG
Nagbebenta ng mga advice
عشوائيNaguguluhan ka na? Bigyan ng advice 'yan! We're open 24/7!