customer seven

86 27 14
                                    

Question:
Manang berts, nagkagusto kasi ako sa isang famous pero hindi kami sobrang close, pero napapasulyap naman siya sa akin at hindi maiiwasan yung eye contact namin sa isa't isa. Yung feeling na 'you caught him staring at you'. Ano ang ibig sabihin nun?
From our author: jebalol

Paninda:

Alam mo ba noong sinabi mo sa akin itong situation mo? May na-feel akong kakaiba, ang cute lang ng ganitong settings sa buhay :)

Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Alam mo ba kung anong ibig sabihin kapag sumusulyap-sulyap siya? Ibig sabihin... may mata siya.

At yung mata na 'yun ay may gustong makita :) Siguro, dahil - sabihin na natin - he likes what he sees. Siguro, may nakita siyang kakaiba sa'yo. Na kahit famous siya, kapag tumitingin siya sa'yo, kakaiba ka. Sabi mo rin na hindi kayo close? Baka gusto ka niyang kausapin, kaya kapag sumusulyap siya sa'yo, baka humahanap siya ng tyempo :)

Hindi nawawalan ng eye contact.

Ang ganda rin niyan, sa totoo lang. Meron kasing mga tao, ginagamit ang mata para mabuhay. Paano ka iilag kapag natamaan ka? Yung iba naman ginagamit ang mata, dahil gusto nilang makita ang mundo at yung mga nakakasalamuha niya. Pero hindi lahat ng tao titingin sa'yo, kaya bakit ba nakikita ka niya? ;)

Simple lang, may mata siya ulit.

Pero this time, nagagandahan siya sa kung ano ang nakikita niya

You caught him staring at you.

Ay iba na 'to atche, swear. Tignan mo rin yung mga factor, baka naman may dumi sa mukha mo, wala? Baka naman dahil famous siya, akala niya makukuha niya sa tingin ang mga babae, hindi? O baka naman... ginagawa niya rin sa iba ito? Hindi?

Kung wala siya sa mga choices na 'yan, isa lang ang ibig sabihin.

Hindi man ma-explain ng science, pero alam kong naranasan at napatunayan na ito. May mga panahon kasi na kapag tumititig tayo sa mga mata ng tao, tumititig lang tayo. Hindi natin nakikita. Kumbaga kapag kumakain, kumakain ka lang, ngunit hindi mo nilalasahan. Ganyan din 'yan sa mga mata.

Meron kasi na kapag tumitig tayo, may feeling na dadaan sa atin. Sa karamihan, tinatawag nila itong "love at first sight"

Pero tandaan, 'wag lang gamitin ang mata sa pagmamahalan.

Try mong magwave sa kanya! :)

Kapag nagwave siya at ngumiti, jackpot na ito atche! Kapag hindi naman siya kumaway at inisnob ka lang, baka torpe naman? O baka snob lang? Either way, dapat magtanong para mas masaya!

Kapag feelingerong famous lang...

Tumingin ka na lang sa iba :)
















salamat kay author at baliw na jbraine na palagi akong sinusuportahan! Try to read her stories, maa-amaze talaga kayo! :)

SEVENTH CUSTOMER BABIES! ♡

P.S. hi ate jebalol :) sana hindi siya snob at magkatuluyan kayo! May something eh XD ♡ kainlove lang :3 sana siya na si forever mo! ♡

- manang_birtud

Nagbebenta ng mga adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon