Question:
Manang, pabili ng advice. May nagustuhan po akong lalaki. Hindi crush ng bestfriend ko yung lalaki, ang sweet naman ng lalaki sa akin. Pero sa huli naging sila ng bestfriend ko? Nakamove on na ako pero nagtaka ako bakit naging sila. Ang tanong, bakit ang bilis nilang mag-iba ng isip? Tapos napabayaan na ako.
From our author: yamakenchuchuPaninda:
To be honest, kung ako lang nasa sitwasyon mo ate, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam na nga ng bestfriend ko na gusto ko yung lalaki, pero bakit naging sila? Sweet sa akin yung lalaki, pero bakit yung bestfriend ko pa yung pinili niya?
Marami akong iniisip, pero alam kong may solusyon dito.Bakit nga ba ang bilis nilang magbago ng isip? Talaga bang ganoon lang?
Kung iisipin natin, sinabi mo sa kanya na gusto mo yung lalaki. Kasi kailangan mo lang ilabas yung nararamdaman mo para sa kanya, at sino ba yung pinupuntahan natin kapag ganyan? Ang mga bestfriend natin. Sinisimulan mo na magkwento kung gaano siya kagwapo, kung paano siya nagiging sweet sa'yo, kung paano mo siya minahal. Bilang tao, kapag nacurious 'yan, gustong maexperience! Kaya habang kinekwento mo sa kanya, gusto niya rin maranasan. At dahil bestfriend ka niya, ayaw ka niyang masaktan... kaya hindi niya sinabi na gusto niya rin yung lalaki. Siguro, pinapahalagahan niya yung friendship ninyo. Pero tao lang din siya, umiibig.
1.) Hindi lang niya sinabi na gusto niya yung lalaki
Sinabi mo rin na sweet sa'yo yung lalaki, pero para sa'yo nga ba iyon? Hindi ko naman sinasabi na lahat ito ay totoo, pero baka naman nagiging sweet siya sa'yo para sa bestfriend mo? I don't want to hurt you, pero hindi ko rin naman alam kung totoo ito. It's for you to find out :)
Baka gusto ka lang niya talaga.
At baka dati na niyang gusto yung bestfriend mo. Hindi mo lang alam, baka nagkaaminan na yung dalawa. Sabi mo ng "I love you" sila sa isa't isa, sabi mo naging sila. Pero nabigla ka kasi wala naman gusto yung bestfriend mo doon sa lalaki...
O baka hindi mo lang alam?
2.) Dati na gusto ng lalaki ang bestfriend mo.
Pero 'wag tayo mag-assume sa mga bagay na hindi nanggagaling sa kanila, kasi hindi naman ako yung bestfriend mo at hindi naman ako yung lalaking gusto mo. Kausapin mo sila. Baka naman gusto talaga ng babae yung lalaki na 'yon, baka naman yung lalaki na 'yon may gusto pala sa bestfriend mo. At hindi mawawala 'yang 'baka' na iyan kapag hindi mo sila tinanong. At kung umamin man sila, it's better to accept. But let them know na nasaktan ka sa proseso. Sabihin mo sa bestfriend mo na hindi ka na niya binibigyan ng oras, at iniiwan ka na lang palagi. Makipagbati ka sa bestfriend mo :)
Kung ayaw niya, then just be a friend. Kasi kung totoong bestfriend mo siya, maiintindihan niya yung sakit na pinaranas niya sa'yo.
Pwede mo rin kausapin yung lalaki at sabihing, "Sa susunod, 'wag kang masyadong sweet kung wala kang planong mahalin ako, okay?"
'Yun nga lang kung kaya mo :)
3.) Confront them.
Tandaan, hindi mabilis mag-iba ng isip at lalong-lalo na... hindi mabilis magbago ng feelings! Sadyang may mga bagay ka lang na hindi nalalaman, at nasa iyo na yun kung gusto mong alamin. Pero wag kang mag-alala, darating rin yan.
Hindi man ngayon, pero darating ang panahon na ikaw naman ang may kasambit ng "I love you"
sana nagustuhan niyo :)
sa mga nagbabasa, nagvovote, nagcocomment, at nagfofollow...
SANA MAHANAP NIYO NA SI FOREVER! ♡ (>﹏<) ♡
HAHAHA. Be loving, not leaving!P.S. hope you like it iha yamakenchuchu :) bayaan mo na sila, kapag may joa ka na, "who you" sila sa'yo! HAHAHA. jokeness. sana talagang nagustuhan mo :( salamat sa suporta, i'll support you too ♡ ingat sa buhay pag-ibig!
- manang_birtud
BINABASA MO ANG
Nagbebenta ng mga advice
RandomNaguguluhan ka na? Bigyan ng advice 'yan! We're open 24/7!