Kelly's POV
Ano bang nangyayari kay Hans? Bakit siya ganun? Naguguluhan talaga ako.
Tinignan ko ang relo ko at nakitang 2:15 na.
Late na naman ako. Hindi na muna ako papasok sa next class ko. Baka mapagalitan naman ako.
Umupo ako sa field at nanood sa mga football players na naglalaro.
Bakit kaya naging ganon si Hans? Hindi pa ba siya masaya kay Trixie? Bakit niya naman ako ginugulo? Gusto niya ulit akong masaktan ganun?
Nakapagmove-on na ako kay Hans. Naiinis lang ako kasi gingulo niya pa ako.
"Problema mo Gayle?"
Nagulat ako sa nagsalita. Si Ethan pala.
"Ah wala," napabuntong hininga na lang ako.
"Alam kong meron. Huwag mo ng itago yung nararamdaman mo. Bibigat lang kalooban mo," sabi niya.
Tama nga siya. Sasabihin ko ba sa kanya?
"Friends tayo diba? I can lend you my ears. I will listen to you. I'm here for you," dagdag pa niya.
"Superman ikaw ba yan?" Biniro ko siya.
Napangiti siya. Syet. Ba't ba ang gwapo ng nilalang na ito?
"Yes. I can be your Superman Gayle," ngumiti ulit siya at pinisil niya ang ilong ko. Feeling ko namula ako. "Ang cute cute mo Gayle"
Umiwas ako ng tingin. Nailang ako bigla. Nakakahiya. Teka. Anong nakakahiya? Waaa.
"Gayle ito oh. Kain tayo. Binili ko yan kanina sa paborito kong Cafe" sabi niya at inabot niya saakin ang box na may lamang cookies.
Kinuha ko yun at tinikman.
"Ang sarap Ethan. Babawi ako sayo next time. I'll bake a cake for you,"
"Talaga?" Nagulat siya na parang bata. Haha. Ang cute.
"Oo Ethan," nginitian ko siya.
"Mas gumaganda ka kapag nakangiti ka, kaya huwag ka masyado ma mroblema okay?"
"Okay salamat" naiilang naman ako.
"Wala ka bang pasok?" Tanong niya.
"Meron pero pinagalitan na ako kanina kasi late ako kaya di na rin ako pumasok sa 2nd class ko,"
"May natitira pang 30 minutes. Gusto mong kumain ng icecream? Nakakabawas yan ng stress" sabi niya at inalok niya ang kamay niya sakin para makatayo ako.
"Sige tara"
Tumayo ako at naglakad kami papuntang canteen.
Grabe naman to. Bakit kailangan nakatingin ang mga estudyante? May mali ba sa mukha ko?
"I thought Ethan married Shacy. Why is he with another girl?" Narinig kong tanong ng babae sa kaibigan niya.
"Duh? Hindi mo ba nabalitaan? May sumira ng kasal nila. Ang epal nga eh. Baka siya yun," sabay turo sakin.
Na guilty naman tuloy ako. Yumuko na lang ako.
"Gayle don't be sad. Hayaan mo sila. Mga walang magawa sa buhay" sabi saakin ni Ethan.
Pumasok na kami sa canteen at bumili siya ng dalawang icecream. Chocolate flavor.
"Ito na yung para sayo Gayle," nakangiti niyang inabot saakin ang icecream. Pero hindi ko ito nahawakan ng maayos kaya natapon sa uniform ko.
Syet. Malas.
Kinapkap ko ang bulsa ko at napagtanto na wala ang panyo ko. Nawala ko naman siguro. As usual.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang isang box ng tissue na bigay pa saakin ng guy sa tabing dagat ng umiiyak ako. Dinadala ko lagi to. Ewan nga kung bakit. Hahaha.
Mukhang nagulat siya ng makita ang tissue.
"First time mo makakita ng box ng tissue?" Tanong ko. Nakakatawa siya.
"Saan nanggaling yan? Akin yan ha?"
"Paanong sayo?" Nagtaka tuloy ako.
Pinalibot niya ang box ng tissue at may nakasulat gamit ang pentle pen.
ETylerA
Yan ang nakasulat. Nagulat tuloy ako.
"Binigay sakin to ng lalaki sa tabing dagat. Todo iyak kasi ako non," I said.
"Ikaw yun?! Destiny ba tayo?"
Tinignan ko siya. Parang abnormal. Hahha parang seryoso talaga siya sa pag sabi nun.
"Hahahhahha!" Bigla siyang tumawa ng malakas.
Problema nito?
"Anong nakakatwa?"
"Ang cute mo kasi. Nevermind"
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya. Hala. Nakakatakot.
"Alam mo bang ininsulto mo pa ako noon? Sabi mo baka hindi ako nakakintindi ng English kasi di ako sumasagot sayo. Ang hirap kayang magsalita kapag umiiyak ng sobra," nag pout pa ako sa kanya.
"Sorry Gayle. By the way, anong problema mo that time?" Tanong niya.
Natigilan ako.
Bigla akong nalungkot ng maalala ko si Dad.
"Ayos ka lang ba? Sorry kung nagtanong pa ako. Huwag mo ng isipin yun. Sorry talaga,"
Tinignan ko siya sa mata. Halatang worried siya.
"Hindi ayos lang,"
Nagkwento ako sa kanya ng mga nangyari at hindi ko na napigilang umiyak.
"Sorry Kelly. Nagtanong pa ako. Yan tuloy napaiyak kapa. Sorry," sabi niyang muli.
"Wala kang dapat ika sorry Ethan. Okay lang. Thankyou pala sa dalawang box ng tissue that time. Kahit papano napagaan mo yung loob ko," tinignan ko siya at niyakap.
Superman ko ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
Love Me Once, Love Me Twice (On-going)
Teen FictionHe, the guy I met in a super duper crazy way is the one I want to be with every minute of each day. Pero hanggang kailan? Siya ba talaga ang lalaki para saakin?