17.MyLifeTime

5 1 0
                                    


Ethan's POV

Ang saya-saya ko ngayon. Maaga akong nagising. Hinatid ko na kahapon si Gayle sa bahay niya.

1st day ng panliligaw ko sa kanya ngayon. Sana di ako pumalpak.

Mag aabsent muna ako ngayong umaga. Bumili ako ng bouquet sa  mall, paborito niyang McDo atsaka chocolates. Sana magustuhan niya.

Itetext ko sana si Hans para tulungan ako pero naalala ko, mahal na mahal niya rin pala si Kelly. Masakit man pero kaylangan ko rin siyang ipaglaban.

Matagal na silang wala kaya hindi niya pag-aari pa si Kelly.

Ang alam ko, walang pasok si Gayle sa kanyang 1st subject.

Hinanap ko siya para ibigay ang lahat ng nabili ko.

Nakita ko siya sa field at agad ko siyang nilapitan.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya. Inawit ko ang "One Call Away" na kinanta ko rin ng nakaraan kasama siya.

"I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman got nothing on me hey!'"

Napatingin siya sa akin. Nakangiti siya. Ang ganda ganda niya sobra.

Hindi ko napansing marami ng estudyante ang nakapalibot saamin.

"Hi Beautiful Gayle!" Bati ko sa kanya sabay kindat.

Naghiyawan naman ang ibang estudyante.

"Ang sweet naman ni Ethan sa babaeng yan"

"Ang swerte niya kay Ethan"

"Nakakilig talaga"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko.

"Ahh. Hii Ethan," sagot ni Gayle na tila nahihiya.

Nakaupo siya at lumuhod ako sa harap niya sabay binigay ang bouquet, McDo at chocolates.

"Wow Ethan. Nag-abala kapa. Kaya pala absent ka ng umaga," nalungkot siya bigla.

"Bakit? Na miss mo agad ako Gayle?" Pinisil ko ang ilong niya. Grabe marami pa ring estudyante ang nakatingin.

"Ang hangin naman. Pero salamat ha? Salamat talaga,"

"Anything for you Gayle,"

Tinignan ko ulit siya sa mata.

"I love you" dagdag ko pa.

Naghiyawan ulit ang mga tao sa paligid.

"First time naman ni Ethan maging ganito sa isang babae. Ang swerte naman niya,"

"Oo nga ang ganda rin naman ng girl"

"Eh pano si Shacy? Akala ko kasal sila ng Ethan na yon?"

Narinig namin sa mga estudyanteng malapit samin.

Tinignan ko agad si Gayle.

Nalungkot siya bigla.

Inalalayan ko siyang tumayo at hinigit ko ang kamay niya upang makalayo doon.

"Saan kayo pupunta? At ikaw Kelly! Malapit ng mag 2pm! May pasok pa tayo kaya huwag ka ng lumayo pa!" Sambit ni Hans.

Nagulat kami pareho sa inasal nito.

"Hans tigilan mo kami," sagot ko.

"At sino ka? KUYA? Mang-aagaw?"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Kuya na ang trato niya sa akin at bunsong kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Love Me Once, Love Me Twice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon