Ethan's POV
Saturday ngayon. Maaga akong pumunta sa University namin dahil may pasok ako.
Ang tahimik ng daan. Naalala ko wala pa lang pasok ang Junior High School ngayon. Hindi ko makikita si Gayle.
Saktong pagkatapos ng klasi pumunta ako sa paborito kong bar.
Pagdating ko naabutan ko si Hans na naglalaro ng billiard. Kaibigan ko siya at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.
"What's up bro? May problema ba?" I asked him.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at halos patayin niya ako sa tingin.
"Ka ano-ano mo si Kelly?" Deretsong tanong niya.
"Kaibigan ko siya. Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" Di ko napigilan ang sarili kong tanungin siya.
"Paano kong Oo?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Sa lahat ba namang pwedeng maging karibal ko. Bakit siya pa? Kung tutuusin marami naman talaga ang nagkakagusto kay Kelly. Maganda siya, mabait attractive, lahat na siguro.
"Akala ko may girlfriend kana? Diba matagal na rin kayo ni Trixie?" Tanong ko na lang.
"I just broke up with her. If I did not do it, I'll just continue fooling her and fooling myself dahil mahal ko pa din ang ex ko,"
Natigilan ako sa sinabi niya. Naala ko lahat ng mga kwento niya sakin tungkol sa Ex girlfriend niya.
So si Kelly Gayle pala ang ex girlfriend na lagi niyabg nakwekwento sakin? Bakit? Bakit siya pa?
"Nauna ako sayo. Una akong pumasok sa buhay niya at handa akong gawin ang lahat bumalik lang siya saakin. Tandaan mo yan!" Babala sakin ni Hans at umalis na siya sa bar.
Natahimik ako. Anong gagawin ko? Mahal rin kaya ni Gayle si Hans hanggang ngayon? Magkakabalikan kaya sila?
May pag-asa pa ba ako kay Gayle?
Uuwi na sana ako ng bahay pero naisipan ko munang bumili ng pagkain para kay Euni.
Pagdating ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto niya at binigay ko sa kanya ang binili ko.
"Salamat Kuya! I love you!," Euni said. Buti naman nakita ko na siya ngayong nakangiti.
"Kuya okay ka lang ba? Parang may problema ka,"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Euni. Kasi may nagustuhan akong babae pero.. Peroo.. Mahal din siya ng matalik kong kaibigan. Anong gagawin ko?" I sighed again. Nakakahiya. Ako pa ang humihingi ng advice sa bunso kong kapatid.
"Sino yan Kuyaa?" Inaasar pa niya ako.
"Yung babaeng nagligtas sakin. Sa kasal sana namin ni Shacy."
"Talaga Kuyaa?? Nahanap mo na siya?? I'm so happy for you!" Bakas sa mukha niya ang kaligayahan. Niyakap pa niya ako.
"Yun nga eh. Nahanap ko na siya pero ang nakakainis doon. Ex girlfriend siya ni Hans. Lagi nga siyang na kwekwento ni Hans sakin noon. Tapos sabi niya saakin kanina, mahal niya pa daw si Kelly Gayle," nalungkot ulit ako.
"Kuya. Kung mahal mo ang isang tao. Dapat ipaglaban mo siya kahit anong mangyari. Pwera na lang kung mahal din ni Kelly Gayle si Hans,"
"Ewan ko nga Euni. Pero sige susubukan kong alamin kong mahal pa ba niya si Hans. Ipaglalaban ko siya Euni,"
"Tama yan Kuya!" Napangiti ulit siya.
Maya-maya pa ay naisipan ko na ring pumunta ng bar. Gusto kong uminom kahit konte lang.
Nag order ako ng maiinom atsaka nakuha ng atensyon ko ang babaeng nakayuko sa tabi ko. Kumakanta siya.
"I will break this chains that binds me. Happiness will find me. Leave the past behind me. Today my life begins,"
Ang ganda ng boses niya. Para siyang anghel. Pero parang malaki ang problema niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa babae.
Mukhang nagulat siya pero mas nagulat ako ng makitang si Gayle pala ito.
"Anong ginagaw mo dito?" Sabay pa kaming nagtanong sa isa't-isa.
"Bakit ka umiinom ng mag-isa? Alam mo ba kung ano ka delikado?" Nainis bigla ako. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?
"Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Dalawang bote ng alak pa lang ang nainom ko," sagot niya.
"Hatid na kita sa bahay niyo Gayle,"
"Huwag na. Hayaan mo na ako. Sanay naman akong hinahayaan mag-isa. Sanay na akong mabuhay ng walang nagmamahal sakin. Siguro noon masaya pa ako. Pero ngayon," hindi niya naituloy ang sinasabi niya at humagulgol na siya ng iyak.
"Gayle. Tungkol ba to kay Hans?" Di ko napigilang itanong.
"Matagal na akong walang pakialam sa kanya. Walang rason para problemahin ko siya,"
"Gayle ano bang problema?"
"Mahabang storya Ethan. Napakakomplikado ng buhay ko."
Niyakap ko na lang siya. Matagal na siyang walang pakialam kay Hans. Ibig sabihin, matagal na rin siyang nakapagmove-on.
Pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.
"Iiyak mo lang yan Gayle. Nandito lang ako para sayo," hinaplos ko ang likod niya para kumalma siya kahit papano.
Biglang nasulyapan ng mata ko ang lalaki sa di kalayuan na halos tunawin kami sa titig niya. Mukhang si Hans yun ha?
Naawa rin ako sa kanya. Alam ko kung gaano niya ka mahal si Gayle pero kaylangan ko din itong ipaglaban.
"Kain na lang tayo ng icecream. Pwede ba yun?"
Sinubukan niyang ngumiti.
"Oh sige Ethan"Dinala ko siya sa Sweet Cravings. Masasarap kasi ang icecream nila dito.
Umorder ako ng dalawang malaking Cookies and cream tsaka kumain kami.
"Hindi ka ba papagalitan sa inyo? Masyadong gabi na," I asked her.
"Wala namang pakialam yung Mommy ko sakin kaya okay lang," bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
Family problem pala. Pareho lang naman kami. Kailan pa ba kami magkakasundo ni Dad?
"Gayle kahit anong mangyari, isipin mong nandito lang ako para sayo," tapos hinawakan ko yung kamay niya.
Nagulat siya at tinignan niya ako.
"Salamat... Superman?" Napangiti siya kahit papano.
Napangiti rin ako.
BINABASA MO ANG
Love Me Once, Love Me Twice (On-going)
Novela JuvenilHe, the guy I met in a super duper crazy way is the one I want to be with every minute of each day. Pero hanggang kailan? Siya ba talaga ang lalaki para saakin?