18. Wrong Move

6 2 0
                                    

Kelly's POV

Matapos ang ilang araw simula maging kami ni Ethan, mas lalo siyang nagiging sweet sa akin.

Magkasama kami ngayon papunta ng classroom ko. Hahatid niya daw ako.

Ng nasa tapat na kami ng room ko, inabot niya saakin ang bag ko na dala-dala niya.

"Salamat MLT. Mag ingat ka ha?" Sabi ko.

"Walang ano man MLT. Ikaw ang mag ingat. I love you," sabi niya at hinalikan niya ang noo ko.

Pumasok na ako sa loob at nakita kong nakatingin si Hans sa dereksyon ko. Umiwas na lang ako ng tingin.

Masyado na akong masaya ngayon. Sana huwag niya na akong guluhin pa.

"Kayo na pala?" Tanong niya.

"Wala kana don," sagot ko naman.

"Kelly. Hindi mo pa siya ganoon ka kilala. Kelly, bakit siya? Hindi ba pwedeng bigyan mo ulit ako ng chance? Diba mahal mo ako noon? Pwedeng mangyari ulit yun," pagmamakaawa ni Hans.

"Hans. Matagal na tayong tapos. Matagal na yun. Wala ng dapat ibalik pa. Masaya na ako. Si Ethan lang ang mahal ko,"

Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko. Pero totoo naman eh. Nasaktan niya rin naman ako noon kaya tama lang siguro to.

Tinignan niya lang ako ng masama.

"So nasasayahan ka na nakuha mo ang isang tao sa pagsira ng kasal nito? Ganyan kana ba ka selfish nayon Kelly?" Sumbat niya sakin.

Inaamin ko. Hindi ko man sinasadya iyon, nasasaktan pa rin ako. Doon nagsimula ang Love story namin ni Ethan. Pero nakasakit ako ng damdamin ng iba.

Ng damdamin ni Shacy.

"Hindi ko naman sinasadya yun Hans kaya pwede ba? Wag mo na lang akong pakialaman!" Naiinis na talaga ako sa kanya.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang guro namin.

Natapos ang klasi ng hindi kami nag iimikan ni Hans. Naiinis pa rin ako sa kanya.

Lumabas na ako ng room at inaasahan kong nasa labas lang si Ethan. Pero wala eh.

Wala siya dito. Nasanay na kasi akong sinusundo niya.

Nasan na kaya siya?

Nag lakad lakad ako papuntang parking lot pero may lumapit sa aking estudyante. Binigyan niya ako ng isang pirasong papel. Tatanungin ko pa lang sana siya kung saan nanggaling pero umalis na siya.

Binasa ko ang naka sulat sa papel.

"Hi! I'm your secret admirer. You're so beautiful so keep on smiling,"

Napangiti ako sa sulat. Sino kaya nagbigay nito?

Nagsimula ulit akong lumakad at biglang may umabot saakin ng kapirasong papel. Tumakbo siya agad palayo.

Binasa ko ang naka sulat.

"You'll know me soon Ms. Beautiful. Take care and don't forget to smile again,"

Napangiti ulit ako. Ewan ko ba kung bakit. Hayy.

"Bes! Pwede ko bang hiramin ang libro mo sa Accountancy?" Tanong ni Alliah sakin.

"Nasa locker ko yun Bes. Kukunin ko na lang,"

"Sige bes. Tara!"

Tumungo na kami sa locker at pagbukas ko, may nakadikit na pirasong papel nanaman.

Binasa ko ang nakasulat.

"Do you want to see a superhero? Do you wanna see a super star and the most handsome guy in this soceity? Look behind you"

Love Me Once, Love Me Twice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon