22. Acceptance

3 1 0
                                    

Kelly's POV

Sa totoo lang gusto kong uminom ngayon. Ayaw kong umuwi sa bahay. Naiinis ako kay Mom.

2nd place pala kami sa Battle of the Bands. Yung banda nila Gino yung Champion. For sure proud na proud sa kanya si Mom.

Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang mga luha sa mukha ko.

"MLT tama na. Kailangan mo ng umuwi sa inyo. 12am na. Gayle please? Pag-usapan niyo ng maayos yan. May reason naman siguro yung Mom mo," sabi ni Ethan.

"Maybe? An unacceptable reason," tumawa ako habang umiiyak. Parang baliw na ako dito.

Nasa bar kami ngayon kasama sina Drew ar Rhona. Ewan ko si Hans kasi ayaw niyang sumama.

"Kelly!,"

Nabigla ako ng nay humawak sa kamay ko.

Si.. Gino.

"Uuwi na tayo!" Seryosong saad niya.

"Bitawan mo siya Tol! Ako ang maghahatid sa kanya!" Mukhang nagalit si Ethan.

"Huwag kang makialam. Di ka parte ng pamilya," cold na sabi niya.

"Bakit parte ka ba ng pamilya namin?" Sabi ko kasi hindi ko na naiwasang mainis.

Tinignan niya ako gamit ang cold eyes niya.

"I don't care about you. I'm doing this for Tita Lily. I care so much for her so don't be assuming!" Sagot niya.

Grbe siya.

"Umuwi kana," walang ganang sabi niya at dumeretso na palabas ng bar.

Ayaw ko pa sanang umuwi pero wala na rin akong magagawa.

Hinatid na ako ni Ethan sa amin.

Patay ang ilaw ng bahay kaya binuksan ko ang gate tsaka ang main door ng bahay.

Insaktong pagbukas ko, umilaw ang bahay.

Nakita ko si Yaya Linda, Gino at si Mommy nakatayo sa mesang may mga nakahaing pagkain.

May cake sa gitna at may naka sulat na "Congratulations Kelly anak"

Hindi ko alam anong gagawin o di kaya'y anong sasabihin.

Niyakap ako ni Mommy.

"Anak sorry na please. Babawi ako sayo. Pangako yan. Just please forgive me. Anak mahal na mahal kita," she begged.

Hindi ko sana siya papansinin pero nagulat ako ng akmang luluhod siya sa harap ko.

Naawa ako sa kanya. Masyado lang siguro siyang nadala sa emosyon matapos ang nangyari kay Dad.

Pintayo ko siya at niyakap.

"Okay Mom pero sana bumalik na kayo sa dati. Sana po magbago na talaga kayo para za ikakabuti namin," i said while crying.

"I promise anak. Hindi ko lubos maisip bakit bigla akong nagka ganun. Hindi ko namalayang binabalewala na kita at hinahayaang mapalayo sakin. I know I'm such a fool pero hindi na mauulit yun," sabi niya at niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Na miss ko ang yakap ni Mom. Na miss ko siya ng sobra.

"I miss you so much Kelly Gayle anak,"

"I miss you too Mom,"

Pati si Yaya Linda napaiyak na.

Si Gino naman ang cold.

"Gusto ko palang ipakilala sayo si Gino. Anak siya ng ka relasyon ko ngayon. Parang anak na rin ang turing ko sa kanya at masyado akong napalapit sa kanya. Sana magkasundo kayo. Pasensya na anak," pagpapaliwanag ni Mom.

Hindi ko mapigilang magselos. Nainis ako kay Gino. Siya pala yung kausap ni Mom sa phone noon. Nakakainis. Mabuti pa siya. Inalagaan ni Mom samantalang ako, napapabayaan.

"Hi," he said.

"Hello," I fake a smile.

Tinignan niya ang relo niya.

"Mom, kaylangan ko na pong umuwi. Thank you," sabi ni Gino and he hugged my Mom.

"Bye Kelly," pagpapaalam niya.

Hindi na ako sumagot. Kakatamad eh.

"Anak, alam kong hindi mo pa siya ganoon ka tanggap pero sana magkaayos kayo. Sana bigyan mo siya ng chance. Mabait na bata naman yang si Gino eh,"

"I cant promise," -ako

"Please?"

Urgh. Nainis ako pero may ma gagawa pa ba ako? Tngna naman.

"Hayy. I'll try," sabi ko at kumain kami ng mga hinain nila ni Yaya Linda.

Pagkatapos ay natulog na rin ako.

Love Me Once, Love Me Twice (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon