Kelly's POV
Nakatunganga lang ako sa gitna ng klasi ng Teacher namin sa Math.
"May problema kaba?" Tanong ni Hans.
"Walang kang pakialam," sagot ko.
Bumuntong hininga siya.
"Okay fine Kelly. Kahit hindi mo na ulit ako bigyan ng chance basta maging kaibigan lang tayo,"
Tinignan ko lang siya.
"Kahit papano naman may pinagsamahan tayo diba?" Dagdag pa niya.
Tama nga siya. Siguro oras na rin to para maging okay kami as friend.
"Okay."
"Friends?" Inabot niya ang kamay niya sakin.
"Sure"
Matapos ang klasi lumabas ako ng room pero hindi ko nakita si Ethan.
Nag-antay ako sa kanya pero di siya dumating. Binuksan ko ang cellphone ko pero wala akong na receive na message.
"Ateee Kellyyy!!!"
Sigaw ni Euni mula sa malayo. Tumakbo siya ng mabilis papunta saakin at hinihingal pa siya.
"Anong problema Euni?" I asked.
"Ate baka kasi hinahanap mo si Kuya. Hindi muna siya pinapasok ni Mommy kasi my emergency meeting daw si Dad pero may kaylangan pang asikasuhin si Dad kaya si Kuya muna ang pumalit kay Dad. Wala rin daw ang secretary niya,"
"Ganun ba? Okay lang Euni. Salamat. Nag-abala kapa,"
"Okay lang Ate. Anything para sa minamahal ni Kuya. Ate pangako mo sakin na huwag mo siyang iiwan ha? Mahal ka niya sobra. Ikaw ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya,"
"Pangako Euni hindi ko iiwan ang Kuya Ethan mo. Mahal ko rin siya,"
Niyakap ako ni Euni. Sobra akong nagpapasalamat dahil medyo gumaan ang loob ko.
"Euni? Kaylangan mo ng umuwi. Mapapagalitan ka nanaman," sabi ng lalaking mukhang nasa 40's na.
"Bodyguard mo?" I asked.
"Nope. Driver ko. Hatid sundo kasi ako. Masyadong bantay sarado. Akala kasi nila boyfriend ko pa si Jaz,"
"I see. Sige ingat ka Euni,"
Ang ganda ni Euni. Paano siya nagawang lokohin ni Jaz?
Kung sabagay, maganda rin naman ang bespren kong si Alliah.
"Bes ka ano ano mo ang babaeng yun?" Nabigla ako ng sumulpot si Alliah.
"Kapatid pala siya ni Ethan Bes. Don't worry mabait naman siya," sabi ko.
"Okay Bes. Wala kang sundo ngayon?"
"Wala Bes. Busy si Ethan ngayon."
"Sabay na lang tayo Bes."
Habang naglalakad kami, may humarang sa amin. Apat na babae at isang bakla.
Isa sa kanila si Shacy na grabe kung maka tingin.
Nagulat ako ng sinampal niya ako sa kanang pisngi ko.
Ang sakit. Ramdam ko ang galit niya sa sampal niya.
"Kulang pa ang sampal na yan para sayo! Ang landi mo! Mang-aagaw ka!"
Sinabunutan niya ako pero hindi ko nagawang lumaban.
Alam kong may kasalanan ako kaya tinanggap ko ang bawat sampal at sabunot niya sa akin.
Napakasakit ng katawan ko. Pati yung ulo ko.
"Bitawan niyo ang bespren ko!" Narinig kong sigaw ni Alliah.
Sinubukan niyang awatin si Shacy pero pinigilan siya ng tatlong babae at ng bakla.
Hindi ako makapsalita. Gusto kong umiyak.
"BITIWAN MO SIYA SHACY!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Agad akong binitawan ni Shacy. Nagulat siya ng makita si Ethan.
"I'm sorry Ethan. Nainis kasi ako dahil nabangga niya ako hindi man lang humingi ng pasensya," sambit ni Shacy.
"Don't fool me Shacy. Stay away from her. Stay away from us!" Sigaw ni Ethan.
Halatang naiinis si Shacy kaya umalis na ito. Sumama naman sa kanya ang mga alipores niya.
"Bes!" Bigla akong niyakap ni Alliah.
"Ayos lang ako bes," sabi ko.
"Hatid na kita sa inyo Gayle. Halika. Sorry pala na late ako. Di mangyayari sayo yun kung nandito lang sana agad ako,"
"Don't blame yourself Ethan. It's not your fault,"
Hinalilan niya ako sa noo.
"Responsibilidad kita MLT ko." He said.
"Gagamotin kita," dagdag pa niya.
"Uuwi na lang ako," -ako
Hinatid niya ko sa bahay at pinapasok ko na siya sa loob. Nagluto ako ng adobo para sa ulam namin.
Wala pa si Mommy. Naisipan ko na rinh ipakilala si Ethan. Kung sakaling kakausapin niya rin ako.
"MLT sorry dahil sakin nasaktan kapa," nalungkot si Ethan pagsabi niya nun.
"No. It's okay MLT. Wala kang kasalan," inangat ko ang ulo niya at niyakap siya.
"I love you MLT,"
"I love you too MLT,"
Kumain kami at umalis na rin si Ethan. Masyado na kasing gabi.
Umakyat na ako sa kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto.
Si mommy.
Tinignan niya lang ako at dumeretso siya sa kwarto niya.
"Hayy." I sighed.
Humiga ako sa kama.
Masyado na akong maraming problema.
Una, hindi pa rin ako pinapansin ni Mommy kahit wala naman akong kasalanan sa pagkamatay ni Daddy. Sadyang nagbago lang talaga siya.
Pangalawa, ayaw sakin ng Mommy ni Ethan dahil sinira ko ang kasal ng anak niya at ng babaeng gusto niya para sa anak niya.
Pangatlo, alam kong hindi ako titigilan ni Shacy kasi sinira ko ang lahat. Ang kasayahan niya mismo.
Hay. Sana balang araw pansinin na ako ni Mommy.
Sana balang araw magustuhan rin ako ng Mommy ni Ethan.
Sana balang araw tigilan na ako ni Shacy at tanggapin niya na ang lahat kasi tapos na yun.
At sana balang araw, maging OKAY na ang lahat. :(
Sana..
BINABASA MO ANG
Love Me Once, Love Me Twice (On-going)
TeenfikceHe, the guy I met in a super duper crazy way is the one I want to be with every minute of each day. Pero hanggang kailan? Siya ba talaga ang lalaki para saakin?