Naglalakad kami sa gubat nila Sam, Michael at Regine ng may marinig ako na mga yapak.
ME: Sshh.
REGINE: Bakit Vince?
ME: Bastah tumahimik kayo. Wag kayong aalis dyan.
Sumunod naman sila. Nagtago ako sa likod ng puno. Hinihintay na makalapit ang mga paparating.. nang.. *boogsh* sinuntok ko ang unang lumabas.
RENDELL: Ouch! /hawak sa pisngi/
Natumba ito at nagulat kaming lahat na si Rendell at Paul ang nakita namin.
ME: Sorry. Akala ko kase.. /tinulungan tumayo si Rendell/
RENDELL: Ayos lang. Buti nakita namin kayo.
PAUL: Oo nga. Di namin alam ni Rendell kung san na kami pupunta.
REGINE: Thanks God buhay kayo. Asan sila Irish?
PAUL: /terrified-look/ May kumuha sa kanila.
SAM: Ano?! Sino?
PAUL: Limang tao sila. Malalaki at maiitim. Dinala sila sa mansion.
MICHAEL: Baka anong gawin na sa kanila!
ME: Sino sino ang mga kasama nyo na nahuli?
RENDELL: Sila Lads, Lean, Irish at Elwell. Tayo nalang natira. Patay na sila Darwin.
MICHAEL: Kung may limang malalaking tao na kumuha kila Elwell, ibig sabihin nadagdagan din ng lima mga kalaban natin??
REGINE: Kailangan nating iligtas sila Irish!
ME: Magplano tayo ng gagawin.
Nag form kaming anim ng circle. Hindi ako sigurado kung magiging successful ang planong naiisip ko.
ME: Sam, Regine, Michael naaalala nyo pa ba papunta sa pangpang na dinaungan natin nang dumating tayo dito?
MICHAEL: Medyo hindi na pero hahanapin namin.
SAM: Oo. Malapit narin naman yung dagat dito. Anong gagawin pala namin dun?
ME: Hanapin nyo ang yacht na sinakyan natin. Ikaw na Michael bahalang magpatakbo ng yacht. Humingi kayo ng tulong sa bayan o sa pinakamalapit na isla.
MICHAEL: Copied.
REGINE: Gusto ko sumama sa pagligtas kila Lean, Vince.
ME: Hindi pwede. Mas safe kung sasama ka kila Michael. Kapag nagawa nyong makaalis sa islang to, ligtas na kayo.
REGINE: Ee pano kayo?
ME: Wag mo na kaming alalahanin. Pumunta na kayo. Wala na tayong oras. Baka abutin tayong lahat ng gabi sa daan.
REGINE: Mag-iingat kayo.
ME: Mag-ingat din kayo.
Pagkatapos kong sabihin ang gagawin nila ay nagsimula na silang pumunta sa pangpang. Samantala, kami nila Paul at Rendell..
ME: Pupunta tayo ng mansion. Sa labas muna tayo hangga't gising pa sila. Oras na nakatulog na ang lahat, sa likod tayo ng bahay dadaan papasok. Saka na natin hanapin sila Elwell sa loob.

BINABASA MO ANG
The Death Trap
HororA group of friends seek for an adventure that will fulfilled their summer vacation. But along the summer season, there's unexpected death trap that will ruin the relaxation and the splendid summer that they dream of. It's a wild ride and creepy stor...