x50: One Crazy Advice

28.7K 594 28
                                    

dedic porr -- @imagentbright

- - - - -

x50: One Crazy Advice

[HAZELNUT's PoV]

Mula nang pumasok ako nitong bahay, dito na ako nanatili sa kwarto namin ni Mama Margie. Nakahiga lang ako sa kama, yakap ang batchoy ko at..

*sniff

At maya't mayang umiiyak.

*sniff

Alam ko, gabi na. Si Mama kasi, nakauwi na galing sa nursery school nya. Gising ako nung pumasok sya dito kanina. Pero hindi nya alam na gising ako. Nagkunwaring tulog ako eh kasi ayaw kong makita nya ang namamaga kong mga mata. Pero panigurado, makikita't makikita nya rin itong tinatago ko sakanya.

"Hazel anak?" Ayan na ang sinasabi ko. Alam ko kasing babalik sya dito at gigisingin ako para kumain ng dinner kasabay nya. "Gising ka na muna anak at kain tayo ng dinner."

Umupo sya sa tabi ko at tinap ang isang hita ko. Dumilat naman ako at tinignan sya.

"Oh!" nagulat sya nang makita nya ang mga mata ko. "Hazel! Umiiyak ka?!"

Ngumiti lang ako kasabay ng pag-sniff ko.

"Hala ka! Uy! Ano bang nangyari ah?! Umupo ka nga!" hinatak nya ko paupo at pinunasan ng mga kamay nya ang naluluha ko na namang mga mata. Napalitan din ng sobrang pag-aalala ang pagkagulat nya. "Hazel.. Magsalita ka naman.. Ano bang nangyari?"

"Wala po.." sagot ko nang nag-isniff pa rin.

"Aish.." nagpout si Mama at binaba na ang mga kamay nya sa lap ko. "So ganyan ka na talaga sakin, Hazel? Naglilihim?"

Natawa ako sa pangongonsensya nya. Pero yung tawa ko, mabilis nilamon ng sakit at takot na nararamdaman ko sa sitwasyon namin ni CJ ngayon. Natulala tuloy ako at muling naluha.

"Hazel anak.." hinawakan ni Mama Margie ang mga kamay ko. Sa tono nya, nandun yung kagustuhan nya na tulungan ako.

"M-Ma.." mahina at sira ang boses ko. "Si CJ kasi.."

"Oh? Anong ginawa ni CJ?"

"I.. Iiwan na po nya ko.." at may tumulo nang mga luha mula sa mga mata ko.

"A-Ano? Iiwan?" may pagkalito sa boses ni Mama Margie. Pinunasan nya rin ang mga luhang iniiyak ko. "Paanong iiwan ah, anak? Sumusuko na sya sa panliligaw sayo? Ganun ba? Pero teka! Wala pa syang isang bwan nanliligaw sayo ah tapos sumusuko na sya?"

Umiling ako habang natatawang umiiyak. Tsk. Reaksyon naman kasi ni Mama Margie.

Pinaliwanag ko na lang sakanya ang ibig kong sabihin. Na iiwan ako ni CJ kasi kailangan nitong umalis pa-Amerika para pansamantalang gawin ang trabaho ng lolo nyang nasa kritikal na kondisyon ngayon. Sinabi ko rin ang hindi pagkakaalam ni CJ sa kung hanggang kailan o kung gaano katagal nya kakailanganing mag-stay roon.

"Ah.. Yun lang pala ang kinakaharap nyo ngayon.." nagcross arms sya sabay nguso. "Akala ko pa naman, sinaktan ka nya. Psh."

"Mama? Hindi nga nya ko sinaktan. Pero nasaktan pa rin ako. Yung thought na magkakalayo kami agad samantalang nag-uumpisa pa lang kami, masakit na yun para sakin. At.. at natatakot din ako.. natatakot ako sa magiging pagkakalayo namin.."

"Natatakot?" ulit ni Mama Margie.

Tulala akong tumango. "Natatakot po ako.. Baka kasi hindi na nya ko balikan, baka bigla na lang magbago ang nararamdaman nya para sakin, baka.. baka makahanap sya ng ibang mamahalin habang malayo sya sakin at..at tuluyan na nya kong iwan.."

"HAAAY.." bumuntung-hininga si Mama Margie kasabay ng pagbagsak ng mga balikat nya. "Puro ka na lang BAKA, BAKA, BAKA. Eh bakit ba, Hazel? Wala ka bang tiwala kay CJ? Sinabi ba nya na hindi ka na nya babalikan, ha?"

Natigilan ako sa mga tinanong ni Mama Margie at naalala ang sinabi ni CJ sakin kanina.

'I'm going back here for you, no matter what.'

Naalala ko din pati ang ginawa nyang paghawak sa kamay ko at ang pagtitig nya nang diretso sa mga mata ko.

Ang mga mata nya.. Ngayon ko lang nagawang pansinin ang gustong ipahiwatig ng mga mata nya sa mga oras na yun.

'Please trust me, Hazel.. Please..'

"Hazel anak.." hinawakan ulit ni Mama Margie ang mga kamay ko. Napatingin naman ako sakanya. "Yang takot na nararamdaman mo, kailangan mo ma-overcome yan. At mao-overcome mo lang yan kung pagkakatiwalaan mo si CJ. Magtiwala ka na babalikan ka nya. Magtiwala ka na walang magbabago sa nararamdaman nya para sayo kahit saang lupalop pa sya ng mundo mapadpad."

Madaling sabihin, pero..

"Pero, alam ko rin namang mahirap magtiwala." tuloy pa ni Mama Margie.

At ayun yun. Mahirap magtiwala. Nahihirapan ako kasi ayoko na masayang ang ibibigay kong tiwala kay CJ. Kasi ayokong masaktan.

"Pero wala eh, kailangan talaga yun." napakibit-balikat si Mama. "Pag nagmahal ka, pag papasok ka sa isang relasyon, isa ang tiwala sa pinaka-kailangan mong ipuhunan. Dahil kung hindi, kung wala kang ibibigay, wala ka ring papatunguhan sa pakikipagrelasyon."

Oo nga.. Alam ko naman yun.. Alam kong napakahalaga ng pagtitiwala sa isang relasyon na kagaya ng sinusubukan naming buuin ni CJ. At gustung-gusto ko naman talaga syang pagkatiwalaan. Kaya nga lang, ang hirap talaga eh. Yung magiging distanya namin, yun ang nagpapahirap sakin na magtiwala sakanya.

Bigla na lang akong napabuntung-hininga sa mga naisip ko. Napabuntung-hininga ako nang sobrang lalim, nang sobrang bigat.

"Ano na bang dapat kong gawin?" halos pabulong at naiiyak kong tanong, ewan ko kung sa sarili ko o kay Mama Margie. Ewan ko talaga. Sobrang nalilito ako.

Niyakap ako ni Mama Margie. Pinatong nya ang ulo ko sa balikat nya at hinimas-himas nya yun.

"Isang tanong din ang sagot dyan sa tanong mo Hazel.." sabi nya. "At yun eh, gusto mo bang may patunguhan ang pagmamahalan nyo ni CJ?"

Tumango ako. "Opo.. Gusto ko.. Gustung-gusto ko pa po syang mahalin at makasama.."

"Kung ganun, edi lumaban ka-- lumaban ka kasama nya. Labanan nyo ang pagsubok na toh sainyo ng tadhana nyo. Diba lagi mo ngang sinasabi noon, na kung nakatadhana talaga para sa isa't isa yung dalawang tao, magiging at magiging sila rin sa huli kahit na anong mangyari? Ganun din kayo ni CJ. Kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa, magagawa nyong malagpasan itong pagsubok sa inyo ng tadhana at magiging kayo ring dalawa sa huli."

Napangiti ako. Ang gara sa pakiramdam na ibalik sayo ang mga paniniwala at advice na ibinibigay mo sa ibang tao. At tama naman si Mama. Kung gusto kong may mapatunguhan ang pagmamahalan namin ni CJ, kailangan kong lumaban kasama nya. Kailangan naming labanan itong pagsubok samin ng tadhana.

Inilayo ko na ang ulo ko sa balikat ni Mama Margie at nakangiti nang pinunasan ang mukha ko.

"Mama Margie, thank you po sa advice.." sabi ko sakanya. "Alam ko na po ang gagawin ko ngayon.."

"Eh! Wala lang yun!" naging cheerful na rin ang boses nya. "Basta, fight-fight-fight lang! Sayang naman kasi si CJ ehhh. Bet na bet ko pa naman sya para sayo."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Bet na bet talaga? Kung sabagay, almot perfect na si CJ. Ideal-guy type sya. Sya pa yung tipo ng lalaki na ipapaglaban ang babaeng mahal nya. Kaya dapat lang na ipaglaban din sya ng babaeng mahal nya-- na nagkataong ako.

"Ay! Naku!" napatayo si Mama Margie. "Yung niluto ko! Lumalamig na! Tara na kasi anak~ Kain na tayo~" T3T

"Opo, opo." natatawa ko pa ring sagot sakanya.

At sa pagsagot ko, nakangiti nya akong inakay patayo hanggang sa makababa na kami sa kainan.

xxxxxx TBC~

Mama Margie~ sya actually ang pinakafave kong chara sa PB.. hehehe.. *share*

#15 (JOKE! HAHAHA!)

#4~

XNUT (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon