x19: One Crazy Emergency?!

35.8K 693 63
                                    

XNUT./FORMER PB. READERS! 

Napost ko na ang INTRO(?) ng PB. PREQUEL/BOOK2! Kung may interested dun, just click the EXTERNAL LINK~ ^^ 

aaand dito sa XNUT... Sino yung mga nagrerequest ng PoV ni Daddy CJ? HEHEHE. Ito na. PoV nya ang nasa ud na itetch~ XDD 

read/comment/vote~ THANKS! ^^v 

- - - - 

x19: One Crazy Emergency?! 




[CJ's PoV] 


Numbers.. Endless numbers.. Ugh. 


Sumasakit na ulo ko sa mga binabasa ko. Mula kahapon, ito na ang pinagkakaabalahan ko. It has been consuming so much of my time that I can't check my phone anymore. Tsk. May gusto pa naman akong itext.


Binitawan ko na itong mga papeles na hawak ko at sumandal dito sa office chair. I tried to relax with my eyes closed. 


Nakakatamad na tong ginagawa ko. Nakakatamad magtrabaho kung wala naman akong pinaglalaanan ng mga pinaghihirapan ko. 


That thought made me heave out a sigh. Bigla ko kasing naalala si Rachel. 


Kagabi.. nakita ko ang pictures nila ni Adrian sa Facebook. May kuha rin sila na kasama nila si Andy. Sanay naman na ko makakita ng pictures nilang tatlo as a happy family but last night, it was kinda different. Maybe because.. Rachel's wearing a ring on those pictures.. 


That ring.. It's an engagement ring.. She just got engaged to Adrian yesterday.. 


Napadilat ako at ngumiti. I'm happy for Rachel. But I won't deny the fact that.. I'm a little hurt as well.. 


Di ko toh inaasahan.. Akala ko balewala na sakin ang anumang progress na mangyayari sa relasyon nila ni Adrian but I was wrong.. Knowing that they're going to get married anytime soon, it makes feel like.. like I need to let go of Rachel again kahit ba matagal na kaming wala.. 


Well, 4 months already passed since we broke up. But it seems like 4 months is still not enough for me to completely move on. 


Tsk. Napatakip ako ng mukha. 


Just why the hell do I have to think about those negative thoughts again? 


Mali toh eh. 


DO CONCENTRATE ON YOUR WORK INSTEAD, CJ. 


Huminga ako nang malalim. Then tumayo ako at iniwan ang nakatambak na paperworks sa table ko. Mag-iikot na lang muna ko dito sa steak house. 


I'm currently here at our newest branch. Meron pang ibang branch na dapat kong asikasuhin pero sabi ni Dad, ito na muna ang iprioritize ko until the operation gets stable here. 


I first inspected the kitchen. Nakaramdam ako ng gutom pagkapasok ko roon. Anong oras na kasi pero di pa ko naglalunch. Wala rin naman kasi akong gana kumain. 


Anyway, Ms. Eliza's there and glad to say, all the kitchen staffs are doing good. 


From kitchen, sunod kong chineck ang waiting staff. They're all busy with the customers. 


Mukhang okay naman ang lahat. Walang problema sa staffs, neither sa customers. Sana magtuluy-tuloy lang ang ganitong takbo ng branch na toh. 


Babalik na sana ko sa office ko nang maisip ko na may nalimutan akong icheck. 


I forgot about our hostess.. 


I suddenly smiled, remembering Hazel..or Hazelnut. Hehe. She really has a cute name. And not to mention, bagay sakanya ang maging hostess namin. Aside from having very good looks, she's also doing the job very well. 


Yung totoo nga, nagdoubt ako nung una sa kakayahan nya. Kasi naman, I've known her for being crazy-- too crazy for this kind of job. But when I had interviewed her.. wow. She was very impressive. I didn't know she has that side. You know, formal and serious side. 


Nagpunta na ko sa entrance. Kaso.. wala dun si Hazel. Ibang hostess namin ang naroon. 


I stopped and checked the time on my watch. Shift na dapat ni Hazel ngayon ah? 


"Sir! Ano pong ginagawa nyo dito?!" masayang tanong ni Ms. Eliza na bigla-bigla na lang lumitaw sa tabi ko.


"Uhm.. Nothing. But where's Ms. Guillermo? Shift na dapat nya ngayon diba?" 


"Ah! Day-off nya po ngayon, sir!" 


I paused at what I heard. 


Off nya pala ngayon. So that means.. she wouldn't be here.. I wouldn't get to see her.. 


"Ganun ba.." mahina kong sagot kay Ms. Eliza. "Sige.." 


Bumalik na ko ng office and there I sat down on my chair, preoccupied. 


Kadisappoint lang malaman na off pala ni Hazel ngayon. Para kasing di ako sanay na di sya nakikita dun sa entrance, nang nakatayo at nakangiti. 


Tsaka..mas gusto ko ring nasa paligid ko lang sya, lalo na sa sobrang nakakapressure na lugar na toh. Pag nandyan kasi sya, nagiging komportable ako. Para bang dahil sakanya, nababawasan ang bigat na dala ko sa pagtatrabaho ko dito. 


Hazel.. She has this cheerful, crazy aura that affects me so much in a good way.. 


Bigla akong napangiti na natatawa. 


Ganito naman ako lagi pag naaalala ko si Hazel. Kung di ako ngingiti, tatawa naman ako. Pag naaalala ko kasi sya, may naalala rin akong nakakatuwa tungkol sakanya. Tulad na lang nung hinatid ko sya pauwi sakanila after our first day of working here. 


Nakatulog sya non sa byahe namin. Dapat sa bus terminal lang sya bababa pero ang hirap nya gisingin eh kaya diniretso ko na sya sakanila. Hinayaan ko na lang syang matulog kasi alam ko namang pagod sya sa trabaho. I didn't mind it, lalo na't nagenjoy rin ako sa pagtulog nya. Para kasi syang si Andy matulog. They're both sleeptalking. Ah, not sleepTALKING but rather, sleepRANTING. And that time, she was ranting about Ms. Eliza. 


Natawa na naman ako. Nakakatawa kasi yung nirereklamo nya about Ms. Eliza. Ba't ba raw ang sungit-sungit nun? Ba't ba raw lagi na lang masama ang tingin nun sakanya? Pft. 


Naalala ko rin tuloy yung kay Andy. Yung kay Andy naman, nagrarant sya about Karlo, his classmate na lagi nyang nakakaaway sa maraming bagay. 


Natatawa akong umiling dahil sa mga naaalala ko sa dalawang yun. 


But then I stopped, feeling depressed again. 


Andy.. Namimiss ko na talaga ang batang yun.. I miss him hugging me, kissing me, calling me Daddy.. 


Haay. Ano ba. Ito na naman ako. Tsk. 


Hinilot ko saglit ang ulo ko tapos hinawakan ko na itong mga paperworks na iniwan ko kanina. Aasikasuhin ko na lang toh kaysa sa kung anu-ano ang pinag-iisip ko. 


I kept myself busy, until I heard a phone ringing. 


Wait. That's actually MY PHONE ringing. 


Kinuha ko ang phone ko from my pocket. Mali pa yung una kong nakuha. Dalawa kasi phone ko ngayon. Nang makuha ko naman na yung pinaka-ginagamit kong phone-- which is yung nagriring-- nagulat ako sa kung sino ang tumatawag. 


IT'S HAZEL. 


Nakakapagtaka. Bakit kaya sya tumatawag ngayon sa number ko na toh? Oo, alam nya ang number ko na toh and I know hers too pero kasi, never pa kaming nagtawagan or nagtext sa isa't isa mula nung matapos ang pag-aalaga namin kay Andy noon-- or not at least with this number of mine. 


"Hello?" nag-aalangan kong sagot sa tawag nya. 


"SIR CJ! HAZEL PO TOH!" sigaw nya sa line. 


I controlled my laugh. "Oh.. Ikaw pala yan Hazelnut.. Bakit ka napatawag?" 


"Ano.. Uhm.. Pwede mo ba kong puntahan ngayon?" humina na ang boses nya. 


"Puntahan? Bakit naman?" 


"Uhh kasi.. ano.. Ah, may emergency." 


"W-WHAT? EMERGENCY?" napatayo ako in panic. "Ano bang nangyari sayo? And where are you now?" 


"Uhh ano.. Hmm.. Ah basta! Nandito ako sa McDo ng Highway 64! Puntahan mo na lang ako ah?! Geh, bye!" at binaba na nya agad ang tawag. Tsk. 


Lumabas na ko ng office habang tinatawagan ang number nya. I need to know if she's okay pero di sya sumasagot! 


"Sir! San po kayo pupunta?!" tanong ni Ms. Eliza na nasa entrance. 


"May pupuntahan lang ako. Ikaw muna ang bahala dito." sagot ko sakanya nang nakatingin sa phone ko ko. I'm trying to call Hazel again but God damn it, she's rejecting my calls! 


Ano ba kasing nangyari sakanya?! 


I was already on my car when I received a text message from her. 


'sarreh di q msagot twag m0! Oks lng nman aq! peo bsta puntahan mo q ah'' - Hazel 


Kahit papaano eh kumalma na ko pagkabasa ko sa text nya. 


Okay lang daw sya kaya di na ko dapat masyadong mag-alala. Pero.. tsk. Di mapakali ang isip ko. Ano ba kasing nangyari sakanya dun sa McDo? Bakit ako ang tinawagan nya and not Mama Margie? 


Nagreply muna ko ng 'sige, papunta na ko' kay Hazel bago ko nagdrive papunta sa kung nasaan sya. 


While driving, too much curiousity hit me. Nakakapagtaka talaga kung ano bang nangyari sakanya in a place like McDo. I can't help to feel worried as well. 


Nang naroon na ko, agad-agad akong pumasok sa loob at hinanap si Hazel. 


Hazel.. Hazel.. Where are you? 


Ah, There! Nakita ko na rin sya! Mag-isa syang nakaupo sa isang table sa gitna at.. tulala sya..  


Sa paglalakad ko palapit sakanya, napatingin sya sa direksyon ko. Una nagulat sya na makita ako pero agad syang ngumiti. Malapad ang ngiti nya at niwe-wave nya pa ang dalawa nyang kamay sakin. 


Her actions made me frown at her. Diba sabi nya may EMERGENCY? May emergency ba na dapat nya ikatuwa nang ganyan? 


Tumayo sya nang marating ko na ang table nya. 


"Buti pumunta ka! HAHA!" masaya nyang sabi. 


"Pumunta ako kasi sabi mo may emergency. Meron nga bang emergency huh?" medyo naiinis kong sabi. Nagpout naman sya. "If you were just joking.. then it wasn't funny. I didn't like it, Hazel." 


"Sungit nomon nito.." tumaray ang tingin nya sakin. "But fine! Joke lang yung emergency! SORRY huh?" 


I smirked at her. I'm already pissed off. Hindi ko gusto yung idea na ginamit nya ang term na EMERGENCY only for fun. 


"Pero di kita pinapunta dito para pagtripan ka lang, okay?" ngumiti ulit sya at ang kamay nya, may tinuro sa bandang kaliwa nya. "Pinapunta kita dahil dun oh-oh-oh." 


Still frowning, I turned my look at what she was pointing. 


Palaruan yun nitong McDo kung saan may ilang bata na naglalaro. May nag-i-slide sakanila at umaakyat dun sa steps. Meron ding bata na tumatakbo-- WAIT.. THAT KID.. 


My eyes widened at that running kid. 


"Is that... Andy?" I asked, more like to myself than to Hazel. 


"HAHAHA OO! SI ANDY YUN! NANINIBAGO KA NOH?!" sagot naman ni Hazel. 


My frown quickly turned into a smile. Si Andy.. nakita ko na ulit si Andy.. 


"ANDY BEYBE!" sigaw ni Hazel kay Andy. 


Huminto sa paglalaro yung bata at tumingin kay Hazel then nilipat nya ang tingin nya... sakin. 


And he just stared at me.. 


Siguro.. di na nya ko kilala.. 


Medyo masakit yun pero naiintindihan ko. Matagal ba naman na nya kong di nakita. 


"DADDY?!!" biglang sigaw ni Andy na ikinagulat ko. 


Did he just call me DADDY? 


So.. kilala nya pa ko? Naaalala nya pa ko? 


My smile.. it got wider than ever. My heart fluttered in overflowing happiness. Kailan ba yung huling beses na naging ganito ako kasaya? It felt like forever but that doesn't matter now! 


"DADDYYY!!" tumakbo si Andy papunta sakin. 


Di ko na sya nagawang hintayin. Sinalubong ko sya. 


"Baby?! Wag ka tumakbo!" sabi ko sakanya then I carried him up. 


"DADDY, DADDY! BAKIT DI KA NA NAGPUPUNTA SA HOUSE PO?!" tanong nya nang sobrang nagtataka. 


Natawa ko. Ganito pa rin sya, hyper at malakas magsalita. Mas bumigat din sya ah. 


"Sobrang dami na kasi ng work ko. Sorry ah, di na kita nabibisita." hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi. "But I missed you baby.. so much.." 


Niyakap nya rin ako, nang mahigpit. "I MISSED YOU TOO PO, DADDY!" 


Natawa ulit ako. Sakto kasing sa tenga ko sya sumigaw. 


Humiwalay sya agad ng yakap sakin. "DADDY, DADDYYY! PWEDE TAYONG MAGPLAY PO?! NUNG CAR PO SA MALL?!" *u* 


"Uhm, teka ah.." tumingin ako kay Hazel. Baka kasi di pwede yung gusto ni Andy. 


I caught Hazel smiling at us but then, she pouted when our eyes met. 


Eh oo nga pala. Pinagsungitan ko sya kanina. 


"Tss. Sige lang, ipasyal mo na sya." mataray nyang sabi. "Namiss nyo nang bongga ang isa't isa dibeh?" =3= 


Again, I chuckled. Ginawa pala nya toh dahil alam nyang namimiss na namin ni Andy ang isa't isa. I appreciate it so much. 


"Thank you..Mommy Hazel." sabi ko sakanya on a teasing tone. 


Nanlaki ang mga mata nya sakin while I just gave her a smile. Well, I also missed the family set-up we had before so.. why don't we try doing it again? 


Binaba ko na si Andy at inakay sya. "Baby, hawakan mo na si Mommy Hazel at pupunta na tayong mall." 


"YEEY! HIHI!" hinawakan nga ng kabila nyang kamay si Hazel. "LETS GO NA PO, MOMMY HAZEL!" ^O^ 


"Uhh.. Ha.. HAHAHA.. O-OWKAAY?!" Hazel answered with her eyes still wide open and her cheeks are.. 


..flushing red? 




xxxxxx TBC~

XNUT (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon