x26: One Crazy Confrontation

33.9K 652 59
                                    

dedication porr -- @WalkOver :3 

- - - - - 

x26: One Crazy Confrontation 




[HAZELNUT's PoV] 


*BUDUMBUDUMBUDUMBUDUMBUDUM 


Hanubatohhh! >___< 


Mula pa nang umapak ako sa loob nitong steak house, ganito na tumibok puso ko! Mabilis! Hindi mapakali! At nagwawala dahil sa... 


..sa HIYA at TAKOT. 


Tsk. Ikaw ba namang gumawa ng isang kalokohan tapos nakita mo na sa wakas yung taong dinamay mo sa kalokohan mo, di ka ba makakaramdam ng hiya at takot nun? 


Idagdag nyo pa sa takot ko yung bigla kong pagkakita kay Adrian. Bakit ba kasi nandito ang pinsan kong tanga na yun? 


Buti na lang, di nya ko nakita at di pa yata nasasabi sakanya ni CJ ang tungkol sa pagtatrabaho ko dito. Kundi, nakuuu. Sa utak na meron yun, malamang iisipin nya na may something-something ako para kay CJ na totoo naman. 


*PAG! 


Bigla kong inumpog tong noo ko dito sa katapat kong locker! TTTnTTT 


Kasi naman Hazelnut! Tigilan mo na yang something-something na meron ka para sa virus na yun! Sige ka.. Yan din ang magiging something na makakasakit sayo pag nabunyag na ang kalokohan mo.. 


HAAAAY.. TTTxTTT 


Nakakaloka.. 


Pero malalagpasan ko rin toh! Nakapagdesisyon na kaya ko na bukas, magreresign na ko sa trabaho ko dito!


Dapat nga ngayon na ko magreresign eh kaso di ako nakagawa ng resignation letter kagabi kakaisip dun sa nagawa kong kalokohan. Ngayon naman, pumasok pa ko kasi.. kasi gusto ko lang makita si CJ.. Heheheh-- HAISH! ANG DALDAL KO MENTALLY! MAKAPAG-WORK NA NGA! FOR-THE-LAST-TIME! >3< 


Inayos ko pa nang unti itong kakasuot ko lang na uniform then naglakad na ko palabas ng changing room. 


Pagbukas ko ng pinto, nandun pala si CJ sa labas! O___O 


Nagkatinginan kami pero agad kong inalis ang tingin ko sakanya. 


Potek. Yung puso ko, lumala nang bongga ang pagwawala. Yung utak ko, mabilis na natadtad ng kung anu-anong isipin. 


Nandito si CJ. Hinihintay nya ko. Mukhang may sasabihin sya. Ano kaya yun? Yung tungkol ba sa kalokohang sinabi ko kay lintang tuko kahapon? Alam na nga ba nya yun? Kung alam na nya, paano na ko ngayon? Aawayin nya ba ko? Tsk. Natatakot ako. Natatakot ako. Natatakot ako. NATATAKOT AKO. 


"Hazel." tawag ni CJ na nagpabalik sa realidad nitong naloloka kong utak. 


"Po?" pinilit ko magtunog kalmado pero yung tingin ko, di ko pa rin magawang ibalik sakanya. Natatakot talaga ko eh. 


Ito na kasi.. Malalagot na ko.. >___< 


"Bakit ayaw mo ipasabi sa pinsan mo ang tungkol sa pagtatrabaho mo dito?" tanong nya na ikinagulat ko deep inside. O___O 


Bakit yun ang tinanong nya? Bakit hindi tungkol sa ginawa kong kalokohan? Di kaya.. wala pa syang alam dun? 


Napatingin na ko kay CJ. Ang mukha nya-- mukha ng isang walang kaalam-alam! 


Wooh! Wala pa syang alam! Wala pa nga pero ito namang TAKOT ko, hindi mawala-wala. ~___~ 


Alam ko kasi na anytime, pwedeng-pwede nya pa rin yun malaman. Anytime, pwedeng-pwede syang magalit sakin. Anytime, pwedeng-pwede ako masaktan. 


"Ah.. Ano.. Trip ko lang.." sagot ko na sakanya. Kalmado at mahina ang boses ko. "Basta, wag nyo po ipapaalam sakanya o kay Chelle ang tungkol dito ah?" 


"So.." napangiti sya. At syet lang ang ngiti nyaaa. Ahhh~ "We're going to keep another secret?" 


Luh? Bakit parang may excitement sa tono nya? May kaexcite-excite ba sa pagkakaroon na naman namin ng isang sikreto? O___o 


Hmm.. Nag-aadik yata toh eh.. =___= 


"Ganun na nga po.. Geh, punta na po ko sa station ko.." nagpaalam na ko tapos nagmadali na kong naglakad palayo. 


Sa totoo lang, nahihirapan akong tumagal sa harapan nya. GUILTY ako eh. Dahil ba naman sa kalokohan ko, mauudlot ang pag-aarrange sa kasal nila ni lintang tuko. 


HAAAY ulet.. =___= 


Bago ko pumunta sa work station ko, tinignan ko muna kung nandito pa sa paligid yung pinsan kong tanga. Swerte lang! Waley na sya! HOHOHO! HONGSOYO! 


Pumwesto na ko dun sa entrance at pinalitan yung naunang hostess. 


Doon, ngumiti na ko. ^___^ 


Ngumiti ako kasi parte toh ng trabaho ko. Pero itong ngiti ko, hindi toh 100%. Mga.. 70% smile lang. Bumababa pa yan pag bigla kong nakikita si CJ. Nagiging 50% smile na lang. 


Buti nga wala dito yung matandang dalagang Supervisor namin. May date sya kasama yung isang guard eh. JOOOKE. Ah ewan ko dun. Day-off yata. Kaya ito, walang naninita sakin. 


May problema nga ako sa pag-ngiti pero di ko naman hinahayaang madamay ang service ko sa customers. Aba, dapat friendly pa rin ako! Dapat energetic! Dapat itodo ko na ang itong pagiging hostess ko kasi last working day ko na ngayon dito! 

XNUT (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon