Hoy! Nakita Kita!

414 22 15
                                    

(Anong nararamdaman mo kapag nakita mo ang crush mo?)

Unang tingin, ako'y napahagikhik.

Sulyap ay inulit ako'y kinilig.

Lubos ang saya nang ikay nakita,

Ako'y nakatagpo ng anghel sa lupa.

Titig sa malayuan, tingin sa malapitan.

Ako'y nakahanap ng iyong larawan.

Kuryenteng dumaloy sa aking katawan

Mga paru-paro'y nabulabog sa aking tiyan.

Mga mata mong kakaiba't natatangi,

May labing mapupula, kay ganda ng ngiti.

Taglay mong balat makinis at maputi,

Lahat ng tao'y siguradong mabibighani.

Sabi ng iba, pangarap lang kita.

Ngunit ang totoo ako'y nahihiyang talaga.

Kaya pangako ko sa susunod na magkikita,

Pag-ibig kong ito'y ipagtatapat na.

A/n: Salamat po sa mga nagtitiyagang magbasa ng aking minadaling tula!!

Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon