(UNTITLED)

19 3 0
                                    

Mahal mo siya.
Dahil mahal mo siya, nagtapat ka sa kaniya.
Dahil nagtapat ka sa kaniya, nalaman niyang mahal mo siya.
Nang nalaman niyang mahal mo siya, napangiti siya.
Natuwa. Tuwang-tuwa na halos lahat ng kabarkada niya nalaman na nagtapat ka sa kaniya.
Yung pinakatago-tago mong sikreto, nalaman na nila.
Sikreto na hindi mo noon nasabi at sa sobrang tagal, niluma na.
"Mahal din kita," iyan ang sinabi niya.
Sarap na sarap ka't narinig mo mula sa kaniya ang ganyang mga kataga.
Isipin mo--- sikat, gwapo, matangkad, matalino, halos lahat ng positibong katangian na sa kaniya na.
Perpekto, kung tutuusin.
Mahal din kita, salitang napakasarap pakinggan
ngunit kapag nadagdagan, iba na sa pakiramdam.
"Mahal kita,
Teka, biro lang 'yun ha. Baka maniwala ka."

(Hello po sa iyo na binabasa pa rin ang mga tula ko. If may extra time ka po, patulong po ako sa title nito. Salamat ng marami.)

Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon