Bakit pa?

171 12 0
                                    

Isa pang tula na nanggaling mula sa kaibuturan ng aking puso. Para sa inyong impormasyon, ang tulang ito ay naisulat ko noong ako ay nasa lugar kung saan hindi ko maramdamang may nagmamahal pa sa akin. Kung naibigan niyo ang tulang ito, salamat, kung hindi, lugod kong tatanggapin ang inyong mga dahilan kung bakit nang sa gayon ay mabago ko pa ito sa inyong kagustuhan. Salamat. Mabuhay ka, dakilang mambabasa. Paunawa: Kung sakaling nais niyong gamitin ang tulang ito, mangyari lamang po na ipagbigay-alam ninyo sa inyong abang lingkod o kaya naman ay banggitin man lang ang Hamieo bilang "may-akda". Salamat!

"Bakit pa?" Bakit pa ba natin kailangang umibig kung alam naman nating masasaktan din naman tayo sa bandang huli? Narito ang kabuuan ng tula:

Bakit Pa?

Heto na naman ako at umaasa,

Patuloy pa rin kitang inaalala.

Naririnig pa mga pakilig mong linya,

Ngunit ginawa sa aki'y isang misteryo pa.


Kung naaalala mo, aking mahal,

Sabi mo sa'kin nang tayo'y sumasayaw,

"Tulad ng Boysen ang aking pagmamahal,

The quality that you can trust magpakailanman."


Aking kasiyahan noo'y walang paglagyan,

Naging dahilan, puso'y muling buksan.

Sabi mo pa para kang luto ng Mang-Inasal

"Hahanap-hanapin mo, ang aking pag-mamahal."


Biniro pa nga kita noon, diba!

Wika'y: "Ikaw at Meralco'y walang pinagkaiba,

May liwanag ang buhay kapag ika'y kasama,

Magulo kong buhay, iyong binura.


Ngunit unti-unti kang nagbago,

Maya't maya umiinit ang iyong ulo.

Lahat ng gusto mo'y sinunod na parang aso,

Wala pa rin nagawa, ako'y iniwan mo.


Puso ko'y lubos nang nangungulila,

Di mapigilan, buhos ng aking luha.

Hahayaang bukas ang aking bintana,

Hihintaying muli kang makita.


Heto na naman ako at nag-iisa.

Anong gagawin ko ngayong wala ka?

Ngunit sabi nga ng Red Horse Beer

Ito ang tama, dapat na kitang limutin.



Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon