Adik na ata ako sa'yo
Araw, hapon, gabi ikaw ang nasa isip ko
Ibang klase kasi ang dating mo.
Nakakalalaki, hindi bali, totoong barako.
Grabe ka kasi. Kakaiba ang sarap mo!
Dahil sa'yo nag-iinit ako,
Gising na gising diwa ko,
Lumalakas pintig ng puso ko.
Mahal na nga ata kita eh.
Kabuuan mo na ang dumadaloy sa katawan ko.
Kesyo pumuti o umitim ka, ayos lang.
Kesyo tumamis o pumait ka okay lang.
Ang mahalaga matikman kita.
Nagagalit na nga iba kasi nakakasama ka raw
Pero ipaglalaban kita!
Mahalaga ka na!
Mahal na kita.
Di na kita ipagpapalit kahit kanino.
Ikaw na talaga, kapeng barako.
BINABASA MO ANG
Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)
PoetryWattpad lang naman ang sinasabihan ko ng mga nararamdaman ko. Kahapon kasi WINASAK, DINUROG, at INAPAK-APAKAN ng paulit-ulit ni EX-crush ang aking puso. Wahahaha! ♥♥♥ Ngunit dahil sa kanya, nabuo ang mga tulang ito!! ^_____^ Stay happy! ^_^ (Langua...