HOY! Mahal Kita!!! (Tula)

1.3K 29 6
                                    

Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan ka lang. Hindi ako sigurado kung may feelings ka rin sa akin o nag-aasume lang ako sa wala. Ako na nga mismo ang gumagawa ng paraan para magkatuluyan tayo kaya ngayon sasabihin ko sa iyo ito with feelings: I YOU!


HOY! Mahal Kita!!! (A poem of Love kuno)


Mahal Kita! Alam mo ba?!?

Ang manhid mo kasi!! Hindi mo ba halata???

Simula pa man, Ikaw na talaga!!

Magtatanong lang sana... Madyikero ka ba??

Ginawa mo kasi akong tuod nung kausap ka kanina!!!


Mahal kita!!! Walangya ka!!!

Anong magagawa ko?? Taken ka na!!

Gusto mo??? Ipa-salvage ko siya (Gf)?

Pagkatapos nu'n... Lalandiin kita???


Hindi alam... Bakit ako sayo'y nahulog!!

Puso ko sayo'y nagkandadurog-durog!!

Hindi ka naman matalino... Ni hindi ka macho...

Bakit ako pa ang pinana ni KUPIDO???


Mahal kita!!! Tae ka talaga!!!

Nauutal-utal ako kapag kausap kita!!!

Kapag magkaharap tayo, ako'y natutulala!

Parang baliw na bukas ang bunganga!!!


Mahal kita! Mahal kita!!!

Hindi mo ba naririnig??? Bingi ka ba??

Lakas ng tibok ng puso ko, kapag nakikita kita!!!

Tanong ko ulit.... Naka-headset ka ba??


Anong nakita mo sa kanya???

May katarata ka ba???

Sa ganda kong 'to,

Matotorpe ka???


Mahalin mo lang ako, swerte ka na!

Paki ko sa iba, basta MAHAL KITA!!!

Baka mahal mo rin ako, umamin ka na!

Ayos lang sa akin kung ika'y nahihiya,

Sa kasalan natin ako na ang bahala!

Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon