Ang Paglimot!

324 16 0
                                    

Ako’y nalilito, ano ang dapat gawin?

Sumpa mong mahika, ngayon ay alisin.

Multo ng kahapon kailangang limutin,

Paghihirap ng puso ay nais tapusin.

Nais kong takasan ang panahong nagdaan,

Burahin ang lahat ng masamang nakaraan.

Puso mong bato ay aking tatapatan,

Kung makakabuti ito’y aking susubukan

Hindi madaling lunasan ang pusong malungkot,

Oras ang kailangan upang ito ay magamot.

Taon? Dekada? Hindi ko alam.

Walang ibang nais, kundi ika’y kalimutan.

Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon