Tinanong kita kung kaliwa o kanan,
Taas noo mong sinabing kanan.
Pero bakit nang makita kita,
Bigla ka na lang lumiko pakaliwa?Tinanong kita kung pula o puti,
Nag-isip ka muna saka sumagot ng puti
Pero bakit parang wala nang puting makita,
Dugo na rin ba ang usong niluluha?Tinanong kita kung oo o hindi,
Ang sagot mo, oo, papakasal tayo.
Pero bakit suot niya ang binigay ko
Noong araw nang inalok mo ako?Tinanong kita kung ako o siya,
Sinagot mo, pangalan ko, ako, hindi ng iba mo.
Pero ba't nakatingin ka sa kanya,
Nang sinabi mong mahal mo ako?
BINABASA MO ANG
Hoy! Mahal Kita (LIT FOLIO)
PuisiWattpad lang naman ang sinasabihan ko ng mga nararamdaman ko. Kahapon kasi WINASAK, DINUROG, at INAPAK-APAKAN ng paulit-ulit ni EX-crush ang aking puso. Wahahaha! ♥♥♥ Ngunit dahil sa kanya, nabuo ang mga tulang ito!! ^_____^ Stay happy! ^_^ (Langua...