Prologue: Si X, si Y at si C

201 32 0
                                    

"Ugh." Tinaas ko 'yung trashcan na hawak ko at binuhos 'yun sa mas malaking trashcan (roller bins). Uwian na pero heto ako nasa likod ng school at nagtatapon ng basura. Napagtripan na naman kasi ako nung mga mahilig mambully sa'kin na taga-ibang section at dahil ayoko ng gulo, ayun sumunod nalang ako at nag-make faces behind their backs.

Magkaroon ka nga naman ng mayayaman at maaarteng schoolmates.

Haayyy...

Aalis na sana ko nung makarinig ako ng mga nagtatawanang boses. Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino ang mga 'yan.

Anu na naman kayang iuutos sa'kin ng mga 'to?

"OMAYGEE! Talaga?! Are you sure?? Sabi mo 'yan hah!"

"Hey! Bakit siya lang??"

"Ang daya naman ee!"

"Yah! It's sooooooooo unfair!"

"Kame rin! We want to come din!"

"Sorry, pero isa na lang kasi 'yung ticket and since pinsan siya ni Lance-"

Sa pagkakasabi no'n napalingon ako, lalake kase 'yung nagsalita. Nakita kong kasama nila si--- ano na nga pangalan niya? Hindi ko maalala e. Alam ko sikat siya dito sa school e. Siya ata 'yung crush ni Thea na madalas niyang ikwento. Ewan, may pagkakamalimutin kasi ako pagdating sa mga pangalan. Hehe. Tawagin nalang natin siyang "x", tutal ayaw din naman siyang pangalanan nung author (daming alam e.)

Ayun, as usual, nakabuntot na naman mga alipores este mga admirers niya. I know, O.A noh? Parang sa mga anime lang.

Tinamaan ka nga naman ng kamalasan, nagtawag pa sila ng back-up! Shet lang! Teka, sa'n ba ako dadaan? Nasa classroom pa kasi mga gamit ko e. At ang klasik, nakaharang sila sa daanan.

Tabi-tabi din di ba. Mga sea monsters na 'to.

Inutusan nila ako pero heto at makikita ko silang nakikapag--- landian?

Badtrip lang. Tapon ko 'to sa kanila e.

Pero mas mabuti ng hindi muna nila ako mapansin. At mukha ngang hindi nila ako napapansin.

"Ok, I'll ask Lance kung meron pa siyang extra tickets para makasama kayo." sabi ni X, ang mga maldita naka-pout lips kase.

"Yay! That is so coooooool!"

"Kyaaa~ Is that true??!"

"Gosh! You're so mabait talaga!"

"That's why we love you eh!"

"Pa-HUUUUUUUUUGGGGGG!!!!!!"

At sabay-sabay pa sila yumakap kay X, pero nakita kong ngumiwi si X. That's weird. Nakikipag-flirt siya tapos napangiwi siya nung yumakap sila?

Oh well, paki ko naman. Time to moooove!

*ahem*ahem*

Pero hindi pa nga ako nakakahakbang sa kinaroroonan ko nung may tumikhim sa likuran nila. Hindi ko makita, but then nagpart-way 'yung mga sea creatures at ayun! Standing behind them is the girl I admire. Maganda, matalino, popular at mabait pa! Strikto nga lang. And fortunately, hindi ko makakalimutan ang pangalan niya! Hehe. Pero dahil me saltik 'yung author nitong kwentong ito, ayaw niya muna pangalanan si idol. Kaya tawagin nalang natin siyang "Y" para may kapartner si X.

Oha! Pinag-isipan! Lupet!

Ay teka muna wait. Anong ginagawa ni Y dito?

"Girls, iwan niyo muna kame." agad naman sumunod 'yung mga sea monsters without any complain.

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon