EQUATION 9: THE GRUDGE

35 4 0
                                    

[Arian's]

The next thing I knew, may kung anong mainit na bagay na dumampi sa labi ko at may nagpa-pump sa dibdib ko. I cough out all the water inside me.

*cough*cough*

Namatay ba ako? Nalunod ba ako? Nasa heaven na ba ako? Kung patay na ako, bakit ang sakit ng dibdib ko? At bakit parang basa ako?

*cough*cough*

"You okay?"

"O---" Minulat ko 'yung mga mata ko. Nasa heaven na nga ata ako. Nakikita ko kasi yung maamong mukha ni Prince ngayon. Patay na nga talaga ako.

Teka...

E buhay pa si Prince e!

"Pri---"

*cough*cough*

Sinubukan ko magsalita pero ansakit pa rin sa dibdib.

"We need to go to the clinic."

"Ba---*cough*cough* basa *cough*cough* ka."

"Don't mind me, I'm fine. It's you I'm worried about. Wait here, I'll get you a towel." then he dashed out.

Hindi ko alam kung saan siya kukuha ng tuwalya.

*cough*cough*

Teka...basa si Prince?? Ibig sabihin---siya nagligtas sa'kin??

Ay malamang, Arian! Obvious ba! Sino pa ba?! E wala namang ibang tao dito. Nakita ko nang tumatakbo na papalapit sa'kin si Prince. Ang bilis.

"Here." inabot niya sa'kin 'yung towel pero nagdalawang isip siya at binalot nalang sa'kin 'yung tuwalya. Kung hindi lang ako giniginaw at nanginginig sa takot siguro kiniling na'ko sa sitwasyon na'to. Pero iba talaga when you almost face death. It drowns all emotions except fear.

"S-salamat." ngumiti lang siya as response.

"Now, let's go to the clinic." Akma sana niyang bubuhatin ako pero sabi ko bigla---

"Huwag! Wag na! Ok lang ako. Salamat."

"You sure?" nakakunot-noong tanong niya sa'kin. Tumango lang ako at buti naman hindi siya makulit.

"Well atleast have a shower, I mean, a hot bath to bring back the colors on your cheeks. May hot water sa shower room ng mga varsity. Tara."

At ayun nga, pumunta kami sa c.r. Buti nalang walang tao. Pinahiram din ako ni Prince ng damit. Fortunately, may locker siya dito sa gym at may 2 extra shirts and pants. After ko magshower, ok na ko. Bumalik na sa dating temperature yung katawan ko. Buti nalang talaga andyan si Prince, napangiti tuloy ako.

"Salamat nga pala. Babalik ko nalang 'tong damit mo pagkatapos ko labahan."

"Nah. You can keep it. Or whatever you want to do with it. Malaki pala tlga sa'yo 'yung shirt." He chuckled. Ang cute ng pagtawa niya. Ang kulit.

After non, nagyaya siyang bumili ng drinks. At dahil sarado na ang cafeteria dun nalang kame sa mga vendo. Nilibre nga niya ko e. Nakakahiya, ang dami ko ng utang ng loob sa kanya. Pangalawang beses na niya kong niligtas. Yung una, yung araw na gusto ko ng kalimutan at ayoko nang banggitin tapos pinahiram niya pa ko ng maisusuot tapos nilibre pa niya ko. Hiyang-hiya na talaga ko. Feeling ko nag-iinit pisngi ko ngayon.

Matagal din na walang imikan sa'min. Ang tahimik. Hindi ko alam kung uuwi na ba dapat ako o ano. Hindi naman kasi siya nagyayaya umuwi. Nakaupo kami parehas ngayon sa floor kaharap yung mga vendo. Ako, hugging my knees while siya naka-squat.

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon