EQUATION 7: MEET ME

59 26 0
                                    

*ding*dong*ding*

*ding*dong*ding*

"Ugh. Sino ba 'yun? Letchugas naman. Aga-aga pa e." Narinig ko kasing pauli-ulit 'yung doorbell ng apartment unit ko.

*ding*dong*ding*

*ding*dong*ding*

Tapos may sumisigaw pa sa labas. Sino kaya di magigising dun. Nako, masasapak ko talaga kung sino man 'yang nanggigising na 'yan. Tumayo na 'ko ng kama kahit medyo antok pa tapos lumabas ng kwarto, nagpunta sa sala at pagbukas ko ng pinto...

"Sino ba kasing---"

"Goodmorning, Yan-yan!"

.

..

...

....

*Sabay sara ng pinto*

"Haayy, antok pa'ko. Makatulog na nga ulit."

"Woah, espren! Teka lang! Kanina pa kaya ako dito! Papasukin mo naman ako!"

Ay, oo nga pala. Bati na pala kami ng mokong na 'yan (kahit hindi kami nag-away) nakalimutan ko. Pwede ba bawiin nalang? *hikab*

"Ariaaaaannn! Yuhoooo~"

*bukas pinto*

"Yay! Papapasukin mo na 'ko?"

"Ba't andito ka?"

"Edi para sa'n pa? Sinusundo ka tulad ng dati!"

*sara ulit ng pinto*

"Ey Arian naman e!"

*bukas ulit ng pinto*

"Anong oras na ba?" *hikab*

"4:00. He-hehe."

"HUWAAAAAAAATT??!! 4:00??!! SIRA-ULO KA TALAGA TIN-TIN!!"

*sara ulit ng pinto*

Takte 'yan. 4:00?? Seryoso?? E walking distance lang naman school namin! Ni wala pa nga ako sa ulirat e.

"Uy, sorry naman! E sa maaga ako nagising e!" Pumasok na siya sa loob, di ko pala na-i-lock 'yung pinto.

"Gisingin mo nalang ulit ako ng 6."

"Uy! Hala! 'Wag ka na ulit matulog! Maligo ka na!"

"'Yung totoo? Naka-singhot ka ba ng katol? Ang adik mo e. Ano, tayo magbubukas ng school?" Sensya na, ang sungit ko. Masama gising e. Ang aga-aga pa kaya. Asar 'tong si Tin-tin e.

"Kung pwde lang sana e! Hoho!"

"Baliw. Di ka naman masyado excited ano? Naka-uniform ka na talaga."

"Haha! Ganon talaga! Nagyon nalang ulit tayo magkakasabay pumasok e! Na-miss ko kaya 'to!"

Ay, oo nga noh? Antagal din pala naming di sabay pumapasok. E kasalanan naman niya. Bahala siya dyan. Humiga na ulit ako sa kama ko.

"Huy, Arian. Ligo ka na kasi."

"'Yoko pa."

"Dali na."

"'Yoko."

"Ge na."

"'Yoko. Limialown. Lemme sleep."

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon