EQUATION 1: SMELLS LIKE TROUBLE

128 28 0
                                    

[Point of view ni Arian]

Aaaaaaaagggghhh!!

Ang sakit pa rin ng ulo ko! Ang nakakapagtaka lang, wala naman laman. De joke. Masakit talaga siya, promise.

Kagagaling ko lang kasi sa sakit e. Ayoko ngang pumasok, kaso absent na 'ko ng two days. Tapos may quiz pa sa trigo mamaya.

I love math! Super! Pinapasakit niya lalo ulo ko!

Hay, nakahiga pa rin ako sa kama at nakapikit kahit alam kong ilang minuto na ang lumipas nung tumunog 'yung alarm clock ko.

Ten minutes pa. Ge na. After ten minutes, tatayo na 'ko.

Pero hindi pa nagsisimula 'yung ten minutes ko nung may kumatok sa pinto.

*knock*knock*

Who's there?

"Arian, iha?"

Arian-iha-who? Ay korni.

"Gising ka na ba?"

Si ninang Sandra 'yun, as usual. Habit niyang dalhan ako ng breakfast tuwing umaga. Yihi. Ang bait talaga ni ninang!

"I brought breakfast. It's in the dining."

"Good morning po Ninang!" sabi ko nung pagkabukas ko ng pinto sabay kuskos sa mga mata ko.

"Good morning din. You look beautiful in the morning as always." Ngumiti siya, napangiti na rin ako. Siya kasi 'yung tipo ng tao na nakakahawa ngumiti, alam mo 'yun? May pinagmanahan talaga si Tin-tin.

"Hala, si ninang talaga o. Nagjo-joke di naman kalbo."

"Oh, you know that I don't joke. You want proof? Look yourself in the mirror. Kahit gulo-gulo ang buhok mo, maganda ka pa rin at simple tingnan."

"Ninang talaga o." pinapalakas na naman self-esteem ko. Haha. Ayoko tumingin baka biglang mabasag.

"Teka, magaling ka na ba?"

"Opo. Wala na po akong lagnat." Medyo nahihilo nalang.

"Well, I think so too. Magbihis ka na baka ma-late ka pa."

"Opo."

"Nasa lamesa 'yung lasagna, kainin mo nalang. And oh, hindi pala ko makakasabay sa'yo ngayon. You know naman, busy sa school."

"Ok lang po ninang."

Oo nga pala, last quarter na kasi ng school year kaya medyo busy mga teachers sa school. Teacher kasi si Ninang sa isang elementary school malapit sa school namin ni Tin-Tin. Si Ninong Mike naman is an architect at kasalukuyan siyang nasa Singapore. Yung lolo naman ni best e businessman. Ayun, halata naman na may kaya sila tapos ang babait pa nila.

Ang swerte talaga ni Tin-tin! Buhay pa kasi pamilya niya e, naiinggit ako. Speaking of Tin-tin, nasaan na kaya 'yung damuhong 'yun?

Nagkasakit na'ko lahat-lahat, ni anino 'di ko man lang nakita. Napaka-caring niyang bestfriend. Grabe. Ang laki nga nung pinagbago nung mokong na 'yun e. Bigla-bigla nalang umiiwas sa'kin lately. Wala naman kaming pinag-awayan. Lakas ng trip. Tapos ngayong nagkasakit nga 'ko, ni hindi man lang ako kinamusta. To think na nasa kabilang street lang sila nakatira.

"Ninang, si Justin po? Di ko pa po kasi siya nakikita since friday." Napahinto naman si Ninang sa paghawak ng doorknob.

"What? I thought he was here with you yesterday. Sabi niya aalagaan ka muna niya since nga may sakit ka. Umaga na nga nakauwi e."

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon