EQUATION 2: BIG BIG TROUBLE

95 28 0
                                    

[POV ni Arian]

#Cafeteria (lunch time)

"Ouch! Hey! Watch where you're going nga!" Sabi nung girl sabay tulak sa'kin.

Reaction ko? Eto,poker face.

Di ko naman sadya na mabangga siya e.

"S-sorry!"

"LOSER!I don't accept apology from a LOSER!" Sabi niya with matching pag-pag ng sarili. Akala mo naman may germs ako.

Teka,paki-ulit nga sinabi niya?

"Let's go, girls!" *walk-out*

"Ooooohhhh. Ahahahahhahaha!!" Sina Thea at Sam 'yan, sino pa ba? Ugali nila 'yan e. Tinginan sabay tawa.

"Ano ba nakakatawa?"

"Ahahaha-napaka---ahahaha-surreal! Ahahahaha-grabe-"

"Tomo! Hahaha! Sinabi mo pa!" Naghigh-five pa sila. Astig ng mga kaibigan ko no? pinagtatawanan lang nila 'yung mga nangyayari sa'kin.

"Akala ko sa mga koreanovela lang nangyayari 'tong mga 'to, meron din pala sa totoong buhay! Wuhahaha-naaalala mo yung kani---"

"Ansaya niyo aa. Pansin ko lang. Kanina pa kayo tawa ng tawa e."

"Bwahahaha. Alam mo kasi Instant Popular Friend." Sabay akbay sa'kin ni Sam.

"Oy,oy. Wag mo nga akong tawaging ganyan." Oo. Ayun, at dahil bigla-bigla akong naging sikat sa loob ng school, me instant nick-name ako na gawa ni Sam.

"Ok, ok. Alam mo kasi, Arian. Natutuwa lang kami ni Thea na sikat ka na sa buong school. Right, Thea?"

"Uhuh. Though may disadvantages nga lang popularity mo."

Aanhin ko naman 'yang popularity na 'yan? Nakakain ba 'yan?

"Kelangan lang pala lagi kaming didikit sa'yo para hindi boring ang life! Wuhahaha. Nakikita mo 'yang mga schoolmates natin na 'yan?"

"Oh? E ano meron?" Umupo na kami sa nakita naming bakanteng table .

"Adik. Wag mo akong barahin. Nakatingin sila sa'yo ever since pumasok tayo dito."

"Yeah and take note, hindi lang basta-basta tingin. MASAMANG TINGIN."

"HAHAHAHAHA!!" At sabay pa ulit silang tumawa. Lumingon-lingon naman ako at tama sila. Nakatingin nga lahat ng mga schoolmates ko sa'kin.

SHET.

*biglang-yuko"

"Uyyyy~ nako-concious. At dahil diyan, nagugutom na ko. Tara, order na tayo!"

"Pfft! Order? Ano 'to, restaurant? Pipila tayo, tsong!"

"Yeah. Watever, SAMANTHA."

"Ge, parekoy bili muna kame."

Naiwan ako mag-isa sa table namin. Hindi na sila nag-aksaya ng oras para tanungin ako dahil alam naman nilang lagi akong may baon.

Haaayyy.

Oo nga pala. Tutal nabanggit ko na rin naman na yung instant popularity ko... maikwento na nga.

*flashback*

"Uy sa wakas! Nagising ka rin!"--> Sam

"Arian! Are you ok na? Nahihilo pa ba you?" --> Thea

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon