EQUATION 8: RAN INTO SOME TROUBLE

49 4 2
                                    

"Well, well, well. Girls, look what we have here."

Shet. Patay.

Bakit ba ang malas-malas ko?? Lagi ko nalang kabuntot ang gulo! Tapos 'yung mga impakta slash maldita slash sea monsters slash nambubully sa'kin pa 'yung nabangga ko! Shet talaga!

"We caught a fish."

"I think 'frog would be more appropriate since she looks a lot like a frog. Aharharharhar!!"

"You're right, sis. She looks like a frog. eew."

"So, Arian, what are you doing here?" Napaatras ako. Hinawakan kasi niya bigla 'yung buhok ko with nakakadiring affection. Shet naman! Una, yung extra sa chapter 1, pangalawa si Jay-E pangatlo, sila naman. Tingin-tingin din kasi sa daanan, Arian!

Bakit ngayon ko pa sila nabangga? Pahirapan makatakas niyan neto panigurado. Waaaaaaaa~ Pa'no na si Prince? Sige lang Arian, magaling nasa gulo ka na nga ibang tao pa rin 'yang iniisip mo! Umatras uli ako sa pangalawang pagkakataon, bumubwelo.

"Planning to go somewhere, frog?"

"Sa rooftop kaya?"

HUH? Teka pano nila---

"We heard you talking to Prince, bitch. Wag mo ng i-deny. You dare flirt with the hottest guys here you don't even have the looks. YUCK. As in Y-U-C-K."

O edi kayo na maganda.

"Ano na? Bakit hindi ka makapagsalita?"

Shy kasi ako.

"She's guilty and we know it."

Uy di aa. Saan?

"And she's cheating on Jay-E! Who's that guy na kasama mo kanina ha?!"

Cheating?? E hindi nga kame.

Ok, Arian. Kalma lang. Kaya mo 'yan, tandaan mo. TATLO sila at mag-ISA ka lang. Kayang-kaya mo sila! Pagbilang kong tatlo, alam na.

"You flirt wih too many guys at once, dear. Maybe you ought to know your place."

One...two...

"Girls, let's teach her a les---"

THREE! TAKBOOOOO!!!

"What the? Ugh. She's getting away!"

"Not so fast, frog!!"

"Get her!!"

Waaaa~ Takteng buhay 'to! Para lang sa laalki, nagkakaganito sila?!

Woo! Habulin niyo ko kung kaya niyo! Bleh.

Mabilis ata 'to. Bumaba ako ng stairs hanggang ground floor. Sumusunod pa rin sila sakin at kung anu-ano 'yung mga sinisigaw nila na alam ko namang threat lang 'yun.

Tatakbo nlang ako ng tatakbo hanggang mapagod sila! Tama! Mas matibay naman stamina ko sa kanila dahin sanay akong tumakbo. Woo! Tama! Tumakbo ako papunta sa kung saan-saan pero ng titibay pa rin nila, hindi pa rin sila napapagod! Kailangan ko ng mapagtataguan!



////x + y = y + x

[Sam's POV]

#Corridor

WEW. Nakakabadterp. Ba't ba feeling ko lahat ng kaibigan ko e me kanya-kanyang sikreto?

Ako lang ang wala.

Si pareng Justin, bigla-bigla nalang bumalik sa'min. Sa pagkakatanda ko e, iwas n iwas sa'min 'yan kulang nlang sabihan niya kaming kadiri. Tapos ang lagkit tumingin ngayon kay Arian. I smell something malansa. Hmm.

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon