EQUATION 6: INLOVE WITH MY BESTFRIEND

62 26 0
                                    

[POV ni Justin]

Pagbukas ko ng pinto, bigla nalang may tumili.

"Tin-tiiiiiiiin!!" sabay yakap sa'kin.

"Y-yan-yan?? A-anong--" Heto naman si ako, nagkanda-utal-utal na porket kaharap ko siya at teka---NIYAKAP NIYA KO??!

Shet.

*badump*badump*

Tae 'tong puso na'to. Gusto ata tumalon.

"Thank you! Thank you! Thank you! Thank you! Thank you! Thank you! Thank you! Thank you! To the nth power!!"

Bakit siya nagte-thank you?? Hindi siya galit sa'kin?

"H-huh? P-para saan?"

"S-in-ave mo 'ko! Na-stuck kasi ako dito! You're my amazing superman!"

S-in-ave? Na-stuck? Kaya ba naka-lock 'yung pinto? Tsaka anong amazing superman? Hindi ba amazing spiderman 'yun?? Adik talaga 'tong babaeng 'to.

"Tara! Uwi na tayo! Yehey!"

Bigla niyang---HINAWAKAN NIYA KAMAY KO!

HINAWAKAN NIYA KAMAY KO PARE!

HINAWAKAN LANG NAMAN NIYA.

LANG NAMAN.

SHET.

HOLDING HANDS KAME, ALAM MU 'YUN?

SHET TALAGA.

Ano ba tooooooo~ Para akong tuod! Para rin akong robot na hinihila niya! Para din akong pipi! Di ako makapagsalita habang siya...salita lang ng salita.

Fvck, Justin! Ngayon ka pa naging ganito.

Tsaka ano ba 'tong pakiramdam na'to?

Eto ba 'yung tinatawag nilang KILIG?

Paksyet.

Kinikilig ng aba ako?? Ah. Ewan.

Tinuon ko nalang 'yung pansin ko sa kamay namin na magkahawak. Hindi ko maintindihan 'yung sinasabi niya, para kasing --- lahat ng senses ko naka-focus lang du'n sa kamay namin. Nakaramdam na rin ba kayo ng ganun? Agh, ewan ko ba. Siguro kasi ... first time na magkahawak kami ng kamay na may malisya ... ako. Ganun pala 'yung feeling na makita siya ulit after mong aminin sa sarili mo na---

"Hala, Tin-tin! Dalian natin baka naka-lock na 'yung room namin! Waaaaaa~ 'yung gamit ko!" Binitawan na niya bigla 'yung kamay ko tsaka tumakbo.

Ayt? Nalungkot naman ako bigla. Nag-eenjoy pa 'ko e. Wahehe. Ang lambot kasi tsaka aa ... uhm ... syempre na-miss ko siya. Kaya ayun, nung maabutan ko siya ako naman 'yung humawak sa kamay niya. Napatingin tuloy siya bigla sa'kin. Takte, pa'no ba 'to?

Ang...awkward.

"Dalian na natin. Ang bagal mo kasi." Masungit ko pang sabi, kunwari lang baka makahalata e. Tagal ko din iniwasan 'tong babaeng 'to, aba. Wala din naman akong napala. Kaya kahit ngayon lang ... kahit kamay niya muna pag-aari ko kahit sa susunod na 'yung puso ... makakapaghintay naman ako.

SHEEEEEEEEEEEET!!!!! PINAGSASABI KO??!!

Kung makapagsabi naman ako ng 'makakapaghintay' akala mo naman may inamin na 'ko! Takteng buhay 'to. Nakarating na nga pala kami sa classroom niya.

"Aaahh!! Naka-lock na 'yung room namin! Foe tech! 'Yung gamit koooo!" (YoY) Pinag-iiikot niya 'yung doorknob pero ayaw bumukas. T-in-ry niya na din 'yung kabilang door pero ayaw pa din bumukas tapos tumalon-talon siya. 'Yung mga classroom kasi dito e air-conditioned so wall talaga 'yung harapan ng mga classroom pero may clerestory windows 'yung matataas na bintana. Naks, nahahawa na 'ko sa mga term ni Daddy.

YOU + ME = TROUBLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon