Oh, bakit ganito ang nadarama ko?
Ano ba talaga ang pinagmulan ko?
Ako ba ay Pinoy o may dugong dayo?
Mga kasama ko ako'y nalilito.
Itong kasama ko isa palang lilo,
Di kami namulat sa baya't sekta ko.
Nais kong matatap ang pagiging ako,
At nang mapaunlad ang totoong tayo.
Salamat sa poon at may instrumento,
Ginoong Buenaflor ang pangalan nito.
"Kay husay na guro" ang masasabi ko,
Sa sobrang talino'y sunod kay Almario.
Ang makatang ito'y sa ami'y tinuro,
Pinakilala ang wikang Filipino.
"Huwag kalimutan ating Inang Wika,
Ang nagbalewala,patay ang kultura. "
Mga linyang ito ay kanyang sinambit,
Nang isapuso at itatak sa isip.
Upang sarili ko't bansa'y mapaunlad,
Laban sa kultura na galing sa labas.
Pagtuturo nito'y binigyang panahon.
Kanyang sinamahan ng ligaya't aliw.
Minsa'y dumanas ng kawalan ng aliw,
Ngunit itong wika'ng nagbuklod sa amin.
Ako po ay lubhang nagpapasalamat,
Pagka-Pilipino'y inyong naiangat.
Dunong at kultura'y sa ami'y binalik
Aming magagawa kahit pa malingat.
Sukat: Alejandrino (lalabindalawahin)
Caesura: 6/6 (Di ako masyado sigurado sa iba)
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "