(Alay sa iyo, prinsesa ko! Sana magustuhan mo! :) )
Nang ikaw ay makilala,
Puno ang puso ng tuwa.
Ligaya ang nadarama,
Tuwing nakakausap ka.
Akalain nga naman 'no?
Noon na nga'y nagsimula.
Ang pag-ibig ko sa kapwa,
Nang lubos na saya.
At nang kinaumagahan,
Sa poon nati'y nagdasal.
"Sana'ng pagkakaibigan,
Pa po namin at tumagal."
Ang lambingan at harutan,
Sa isa't-isa'y tumagal.
Nakatatak sa'king isip,
Wag mo sana akong iwan.
Ano ang nadarama ko?
Na pakikisama sa'yo?
Bakit biglang nag-iba nga
Tumamis ang ating salita.
At itong panulaan,
Sa iyo lang nakaalay.
Na tanda ng pagmamahal,
Ng matalik mong kaibigan.
Sana nga'y makasama ka,
Sa hirap man o ginawa.
At sana tayo'y magkita,
Aa susunod na dekada.
Bawat salita'y namnamin mo,
Lahat ay bukal sa puso.
Mga salitang binitawan ko,
Important sa'kin at sa'yo.
Ngayon lang nagsulat nang ganito,
Di nilaro, kundi sineryoso.
LAhat ng ito'y alay ko,
Sa iyo, oh Prinsesa Ko.
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoesieIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "