Siya ba'y hangin sa inyong paningin
o nagtataingang kawali lamang nang wag mapansin.
Mapansin ng iba na dapat lang makita
at hindi yung nagkukunwarian lang pala!
Dahil sa kalabit ng gunita'y di mabatid
ang bawat hinagpis at hininga na nga'y mapapatid,
kasisigaw sa inyong mga mata,
"Ako'y tanawin mo! at may makikita. "
Di iniipit at lalong di galit,
ngunit ang gunita niyo lamang ang kanyang batid.
Gunitang magpapatotoo na hinahanap ninyo,
nang walang pagbabalat-kayo.
Sana'y huwag palapagpasin,
pagkakataong dumaan ang hangin.
Hanging habagat na minsan nga'y sa dilim,
nagmamayagpag kahit kinikimkim.
Sapagkat hagupit nito'y mahirap pigilin.
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "