(Panget mo po! ^_^ Joke lang! Hehe! Bayad mo ah! :3 )
Sa gitna ng kaadikan,
nabuo ang pagkakaibigan.
At sa hindi nga inaasahan,
lumabas ang iyong kaartehan.
Tawag sayo'y MisteryosangBaliw,
At RiotPrince naman ang sa akin.
Ang nabuong pagkakaibigan,
sobrang gulo at baliwan.
Ang tula ngang iyong hinihintay,
Di man pasukdol kundi palantay.
Ang lahat ng paglalarawan,
Malabas lang ang 'yong kapangitan.
Sana lahat ng ating biruan,
sana'y seryosohin at wag laruan.
Pagkakaibigan ay palakasin,
At nang ika'y maging masayahin.
Napakagaling ng panulaan,
ng iyong gawa'y napakahusay.
'Wag itigil at ipagpatuloy,
nang Wikang Filipino ay mapaunlad.
Isa kang makatang sobrang husay,
At maari kang gawing tulay.
Nang makita ng kababayan,
ang wika nga ay pahalagahan.
Ang kulturang Pinoy nga dapat ay,
bigyang halaga at alagaan.
Nandito ako't nagpapasalamat,
isa ding makatang si Miss A.
(Author's note:
Magandang araw sa inyong lahat! :D Mula sa pagiging #140, naging #74 at ngayon nama'y #40. Hehe! Ano po ba batayan diyan? Hahahaha! Seryoso po, feeling ko naloloko ako. Pero, is alang ang gusto kong sabhin,,, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG MGA TULA NA GINAGAWA KO! KUNG DI PO DAHIL SA MGA LIKE, VIEWS AND COMMENTS NIYO, di magiging #40 ito sa poetry! haha! Labis po akong nagpapasalamat..
P.S.
Miss A, hahaha! Eto na ! Haha! Panget mo! :3 joke! )
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "