(Hi, tita! ^,^ Goodluck po sa inyo! Haha! Sa inyong POV po into! Haha! Sorry po sa isang English word! T^T )
Sobrang laking mundong kinalalagyan ko,
Ngunit lungkot nga ang nanaig sa puso.
Nag-iisang talang nagniningning sa gabi,
Ngunit hindi pansin ang gandang taglay ko.
At mayroon pala sa malayong lugar,
Sa mukha at isip, tinanggal ang lungkot.
Sa puso Kong bukal, saya ay pinunan,
Kanya ngang napawi ang kapighatian.
Sa teknolohiya, tayo ay nagkita.
Boses at mukha mo'y nadinig at nakita.
Ramdam ang mahalan sa ating dalawa,
Dampi ng yakap mo'y magiging sanhi ng saya.
Tuwing kausap siya, mundo ko'y natutuwa,
At ikaw nga lamang, prinsipeng mahal ko.
Na siyang nagmula sa kastilyong malayo,
Ako'y nangangarap ,maging iyong prinsesa.
Mala pantasya man ang pag ibig na ito,
Sapagkat ang layo ay hindi nga biro.
Di naging hadlang upang mahalin ako,
At mahalin kita nang buong puso.
Sana'y tumagal pa,ang relasyong ito.
Pag-ibig natin ay hindi lamang biro.
Lahat ng ito at seryoso't totoo.
Kahit na gayon at tayo'y magkalayo.
At ang tulang ito'y magpapaalala,
Ang pagmamahalan ay di mawawala
Lalo na't ikaw ay malayong dalita,
Kung ang pag-ibig ay totoo't ikinatuwa.
Sa dulo ng mundo, ika'y nakita ko
Sa dulo ng mundo, nagmamahalan tayo
Sa dulo ng mundo,forever na tayo
Sa dulo ng mundo, ika'y akin at ako'y sa'yo.
(Author's note:
Hi guyss! Share ko lang kasi nakakatuwa! Haha! Nag #140 yung gawa Kong ito (SUKAT AT TUGMA) sa category na Poetry. Atleas may place! Haha choosy pa ba? ^,^ sabi nung isang Ka wattpader! Hah! Salamat sa inyo! Haha! Na inspire tuloy ako na gumawa nang gumawa. Salamat!! 😂😊😊 )
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "