Bakit nagbalik pa sa aking gunita?
Gayong ika'y sanhi ng pagkadalita.
Hirap na sabihin sayo ang nadarama,
Ng pusong nagkukumahog sa'ting mga tala.
Bakit nagbalik pa sa aking gunita?
Gayong tinapos mo at tinuturing ka nang wala.
Akin na ngang binalikan ang 'yong liham,
Inibig Kong tunay kahit pa nagdaan.
Ikinatuwa Kong lubos, ang liham mula sa'yo,
Bawat titik at letra'y tinuring Kong parang ginto.
Gintong singkinang ng puso at mga mata mo,,
Singhalaga ng perlas mula sa malayong dako.
Kung akin pang nahahalungkat,
Mga salitang kumikidlat.
Ngiti mong nakakahumaling,
At ng puso mong sobrang galing.
Pitong araw ang nagdaan, nang iyong ipabatid,
liham pamamaalam kaya't puso ko'y kumitid.
Di man tuwiran ang pagsaad ng pamamaalam,
Ngunit nadarama ko ang iyong pagka-kawalan.
Parang bula ang pag-ibig mo, kung sa'kin ma'y sinimpan.
Sapagkat ikaw ay sumuko, sa'ting pagmamahalan.
Di mabatid sa isip ko, di mawari ang dahilan,
Kung bakit biglaang lumayo, bakit biglang nawalan.
Nawalan ng saya, sa napaka inosente mong mukha.
Nawalan ng gana, na dating kilala Kong masaya.
Masayang nakakahalubilo ang "pogi" mong kasama,
Iyo pa bang naaalala? O, aking "Ganda" ?
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "