Di niyo man sabihin,
Napakadaling intindihin.
Ibig niyo ay di akin,
Sa kaniya't kaniya pa rin.
Nagsarang bigla ang puso,
Sa kumakatok na anino.
Ninanais ko nang ihinto
Ang ipapasok mong delubyo. ,
Di na yata nahiya
Na pati ang yapak ng mga paa
Kung ipapasok sa entrada,
Puro putik ang mahihita.
Di na nga yata nahiya
Na pati ang dumi'y ipapakita
Sa sensitibo kong mga mata
Matang naghihirap at nagdurusa
Wala namang magagawa
Sapagkat puso ko'y mahina.
Kaya't sana ang tugon ko'y tumalima
Sa puso ninyo ring mahihina.
Puso ko man ay nabugbog,
Puso niyo naman ay may bubog.
Bubog na sadyang nagpapalubog
at bumubulag sa mga matang mabibilog.
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "