Nilalang na kakaiba,
Na sa aki'y nagpakaba
At hindi ko nga madama
Katawan ko nang ika'y makita.Biglang huminto ang aking mumunting mundo,
Hindi alam ang gagawin sa'yo .
Sapagkat kakaiba ang iyong anyo.
Anyong sadyang ikinagulat ko.Di mawari nga ng mambabasa,
Nais iparating ng may-akda.
Ano daw bang talagang persona ng tula,
Kakaiba ang anyo o kakaibang ganda?Sapagkat kawangis ng pag-ibig,
Ang pagkabog ng dibdib.
Hindi lamang sa pagmamahal ,
Gayundin sa zombie na uutal-utal.Kapares ng zombie yaong iniirog ko,
Kapag lumapit nga'y naninigas ako.
Di mawari ang nais gawin,
Dapat bang saktan o mahalin?Maari ko ring maihalintulad ,
Ang sarili a zombie na namumukadkad.
Pagkat sa mundo ma'y naglalakad,
Patay sa loob , pait ay bubungad.Bunga ito ng pagkamataas mo,
Dahan-dahan akong pinapatay sa loob-loob ko,
Ngunit hindi padadala sa ginawa mo.
Ngayon ay babangon gayong pinatay mo.Palasak ang pag-"move on" , sabi nga nila.
Kaya't tumatayo't bumabangon na nga.
Pinipilit makasabay sa balisbis ng buhay,
Ngunit kaluluwa nga'y wala , tahasan mong pinatay.Huwag nang mag-atubili, sapagkat Ikaw na ang ambil,
Ambil ng kamatayan , pag-iisip ay ikikitil.
Katulad ng zombie na nakatunganga't nais isupil,
Naghahanap ng pagkain o makakain.Ako'y di na nga katulad niyang nagbabantay,
Sinasabing patay ngunit buhay.
Kaya't humayo ka na o aking "zombie" ,
Este nakaraang pag-ibig sa iyo'y dapat isisi.
BINABASA MO ANG
Sukat At Tugma
PoetryIto ay naglalaman ng mga tula. Maaring ang mga paksa into ay para sa isang tao o pangkalahatan. Mahalin ang sariling wika. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan. "