The Perfect Two

310 2 6
                                    

 Hello readers!

Enjoy reading my almost true-to-life story..

Well, some of the events are for real pero the rest is ... history haha. joke!

Ciao!

 --------------------------------------------------------------------###-------------------------------------------------------------

" ATEEEEEEEEEEEEEEEEE! "

Nagising ako sa lakas ng sigaw ng kapatid ko.. Tinignan ko cellphone ko, bombarded ng mga text pero lahat naman puro GM. Press Back lang ako lagi, wala ako sa mood basahin mga walang kwentang parinigan nila. 8 palang naman ng umaga pero ang lakas na ng atungal ng kapatid ko.

" ANOOOOO???? " sumagot ako.

" Bumangon ka na raw diyan sabi ni Papa! " sigaw niya mula sa baba.

Nagmaktol muna ako bago bumangon. " Ang aga-aga, wala namang pasok babangon agad. "

" ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! "

Tarages yan, " Oo andiyan na! " Di makapaghintay??

Kakaloka.

Siyempre wala naman akong magagawa, nagligpit na ako ng higaan tapos baba na.

Tingin ako agad sa mesa... biglang tumunog yung doorbell!

"Ay kamote! "

Sino ba yon? keaga-aga!

Kain nalang ng pandesal ....

" Insaaaaaaaaaaaaaaan! "

Anak ng tipaklong! May dumating na kutong-lups.

 " Bakit nandito ka ng maaga?" tanong ko.

" Makiki-almusal, bakit masama? " sabay kuha ng pandesal tapos sawsaw sa kape ko.

" Oo, masamang-masama. Kumuha ka kaya ng sarili mong kape. "

" Mas masarap ang may kahati, ba't ba ang aga-aga ang sungit mo din ha insan? " sabay kotong sa akin.

" Wala ka na doon. "

" Wala talaga dahil nandito ako. "

" Ang corny mo! "

" Corny pala ah. Hi Tita! Ang aga-aga ang sungit ni pinsan, saan niyo ba pinaglihi to? "

Kakatapos lang pala maglaba ni Mama kaya nilapitan kami agad.

" O Rye, ba't ang aga mong dumayo dito sa'min? "

" Yayayain ko sana tong lumabas Tita eh, kaso parang pinakuluan sa kumukulong tubig. "

" Saan naman kayo pupunta? "

Tinignan ko ng masama si Rye, parang may feeling ako na meron siyang pina-plano.

" O bakit ganyan ka makatingin? "

" Wala. O ayan, sayo na yang kape ko. " 

" Uy salamat ha. Ang bait-bait mo talaga sakin pinsan. "

" Ewan ko sa'yo! "

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Sinilip ko ulit si pinsan. Bihis na bihis ang mokong. Alas-otso pa lang pero san naman kaya ang lakad nito? At isasama pa ako? Wagas! Ano to? Brokenhearted? Manlilibre ng ganito ka-aga? Pero alam ko wala namang pino-pormahan to ngayon ah. 

" Hoy maligo ka na, aalis na tayo maya-maya! " sabi niya na kanda-bulol bulol sa pagsasalita.

" Don't talk nga when you're mouth is full. San ba tayo talaga pupunta? "

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon