Five more minutes

14 0 0
                                        

D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E

D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E

D.O.Y.O.U.L.O.V.E.M.E

D.O.Y.O.U.L.O.V.E.

DO YOU?

 Do you love me?

Do you love me?

Do you love me like

The way I love you babe?

Kinapa-kapa niya sa ilalim ng unan ang cell phone niyang panay ang tunog ng alarm clock.  Umpisa na ng buwan ng Disyembre. Malapit na naman ang Pasko..  Malamig na malamig na ang klima pero di pa rin sumisikat ang araw kahit ala-sais na ng umaga.

Do you love me?

Do you love me?

Do you love me like

The way I love you babe?

Yegami ttag maja deureosseo

Neol mannatdeon cheotnal buteo

Amudo gajil su eobseotdeon

Nae mameul saro jabasseo

Kahit na masakit na mabingi siya sa lakas ng tugtog ng alarm tone niya ay namaluktot lang siya sa kama at ibinalot ng husto ang kumot sa katawan niya.

"Five minutes pa...." bulong niya sa sarili.

Kung hindi lang siya nanghihinayang sa suweldo niya, hindi talaga siya papasok sa araw na iyon. She's been dreading to wake up this morning... Paano kung panaginip lang pala lahat ng nangyari kahapon? Eh di wala na naman siyang napala.

Hayy... ang buhay nga naman..

Kung noon ipinagdarasal niya palagi na sana ay maka-graduate na siya para makapagtrabaho na, ngayon naman naiisip niyang sana ay bumalik nalang siya sa pag-aaral na walang ibang pino-problema kundi assignments, projects, at reports.

Tumunog ulit ang cellphone niya, senyales na tapos na ang five minutes na palugit niya.

"Aish... Five minutes pa ulit. Please.. "

Mamamaluktot pa sana siya ulit nang biglang bumukas ang pinto at iluwa doon ang kanyang ina.

Mabilis na napaupo siya sa pagkagulat. Kasunod nito ang pinsan niyang wala na naman atang magawa sa buhay kundi ang perwisyuhin siya.

"Hoy Jin, gumising ka na't sabayan mong kumain tong si Ryan. Kanina pa yan nasa baba, kundi ba naman nakakahiya sa kanya, ikaw tong babae pero ikaw tong napaka-mantika kung matulog. Hala!! Tayo!!"

Hinila-hila ng nanay niya ang laylayan ng kumot niya pero di siya nagpatinag.

"Oy, insan! Gumising ka na diyan, di bagay sayo ang mag-ala sleeping beauty! Tanghali na. Male-late ka pa niyan. Ililibre pa naman sana kita ng pamasahe."

Binato niya ito ng unan saka muling bumalik sa pagkakahiga.

"Lumabas ka ng kwarto ko, boy. Kung ayaw mong masaktan ng ganito ka-aga."

"Grabe naman, aga-aga ang sungit-sungit! Hindi daw ako aalis dito sabi ni Tita hangga't di ka tumatayo."

"Nakabangon na ako so pwede ka nang umalis.

"Paki-define ang salitang bangon, please. Di ko kasi makita e."

"Ito ang sarili kong version ng pagbangon. Walang basagan ng trip. Bukas na bukas ang pinto, kung ayaw mong samain pwede ka nang umalis."

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon