Love is in the air

24 0 0
                                    

Pa-selfie muna bago ko simulan tong trabaho sa office.. ----> Jinry

**********

Muntik na siyang ma-late dahil sa eksenang nangyari sa kanya kanina. Buti nalang nai-punch in na siya ni Tiffany sa bundy clock nila. Gawain nilang dalawa iyon kapag may isang male-late sa kanila, provided na walang makakahuli *winks*

"You owe me kwento." sabi nito na walang kagatol-gatol habang hawak ang DTR niya.

"Of course. Kahit di mo pa ako tanungin, ikukwento ko talaga sayo."

Hinila niya na ito paakyat sa cubicle nila.

"Teka, ano ba? Di naman halatang excited ka eh,noh?" medyo iritableng sabi nito.

Binitiwan niya ito pagkarating sa desk nila. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito, halatang hindi maganda ang umaga nito.

"Bakit sambakol yang mukha mo?" tanong niya.

 "Tsk."

Yun lang ang sinagot nito at tumingin sa bintana. Mula doon, kitang-kita ang paborito nilang hang out - ang Cafe Isabella. Sinundan niya ng tingin ang tinititigan nito.

"Oh, so who's that lucky guy? " tanong niya na lumapit pa talaga sa bintana to get a better view of the man who captured her bestfriend's heart.

"He's one hell of a lucky guy to have me in his life. But now, I don't think so."

Nagulumihanan siya sa sinabi nito. Walang siyang natatandaang naging nobyo nito noon. Nakakunot-noong tiningnan niya ito.

"What do you mean?"

"We used to be ... or should I say, I assumed that we were. Only to find out na ako lang pala ang umasa. Ako naman kasi tong si tanga, nahulog sa kanya. Nakakainis!" sinuklay nito ang may kahabaan na nitong buhok.

"I see.. pero ano naman ang kinalaman niya ngayon sa state of mind mo?"

"Well, nagkrus lang naman ang aming mga landas kanina bago tayo magkita. And tell you what.."

"What?" she asked.

"He's going to work here. In this building. In this office. In this department. With me."

Napanganga siya.

"Oh... My... Gosh!" bulalas niya.

"Yeah.. really! As in Oh My Gosh! din talaga!" Napabuntong-hininga ito. " I don't know what to do."

"Gaga! Act normal like you always did. Keber kung nandyan yang utaw na iyan. Hayaan mo. Kayang-kaya mo  namang gawin iyon diba?"

"As if naman kayang-kaya kong gawin yun. Ikaw, kaya mo bang deadmahin si Aki? Di ba, hindi?" balik tanong nito.

Natameme siya. Sa bagay, may point din nga naman ito. Kahit sino pang Poncio Pilato ang nasa harap mo, kung minahal o mahal mo man ang taong ito, napaka-hirap na basta nalang itong hindi pansinin o bigyang-pansin man lang.

"So what's your plan now?"

Nagkibit-balikat lang ito.

Nangalumbaba naman siya. Pinagmasdan niya mula sa bintana ang lalaking sinasabi nito.

Matangkad.

Maganda ang balikat.

Moreno.

Ang tanong... Gwapo??

Nakatalikod kasi ang upo nito sa kanila kaya hindi rin niya makita. Humarap man ito, hindi pa rin niya maaaninag dahil medyo malayo ang kinatatayuan nila. Tanaw lang niya ang physique nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon