I was trying my best to forget him.
Ilang taon na rin naman kasi diba?
Ni ha ni ho.. wala!
Thanks a lot to him.. natuto akong masaktan at ma-appreciate ang mga bagay-bagay.
Akala ko talaga wala na.
Pero akala ko lang yon..
I'm here again, standing in front of the man I used to love.
Parang wala pa ring nagbago sa kanya - except for the fact na mas gwapo siya ngayon.
He's still the man who broke my heart.
" Hi! " sabi niya, nakangiti sa akin.
Oh crap! Here we go again!
Bakit ba sa isang ngiti niya lang, bumibigay na ako?
" Hello there! " sabi ko.
I tried to ignore his presence but I just can't. Simply because he's irresistible.
" It's been a while huh. " sabi niya.
Nagtataka siguro kayo kung nasaan kami. We were standing in the platform of MRT - Kamuning Station waiting for the train to Cubao.
" Yeah. Matagal-tagal na rin." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
Ayoko. Baka mahalata niya na kinakabahan ako at mas lalong ayoko dahil baka makita niya sa mata ko ang sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit mapaglaruan ng tadhana no?
Akala mo, wala na. Yun pala, pinagplanuhan na.
Feeling ko maiiyak na ako sa kinatatayuan ko. Paano ba naman? Apat na taon ko siyang hindi nakita. Apat na taon na pinaniwala ko ang sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kaniya. Tapos ano to? Joke? Pagtatagpuin kami ng tadhana para isampal sa akin ang katotohanan na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya?
Tengeneng yan!
I glanced at him. We were both facing the other side of the platform.
Pinag-aralan kong mabuti ang mukha niya.
Baka abutin ulit ng ilang taon bago kami muling magkita.
He turned to look at me and smiled once more.
I just stared...
" Okay ka lang? " tanong niya. " Ang tahimik mo ngayon. Hindi ako sanay. "
There I managed to chuckle. Oo nga pala. Masayahin akong tao nung nakilala niya.
" Pagod lang siguro ako. Alam mo na. Work, work and work. "
It's his turn to stare.
" Don't you have any boyfriend? "
E gago ka pala eh. Sa apat na taon na nakalipas, wala akong ibang inisip kundi ang kalimutan ka. Tapos tatanungin mo ko kung may boyfriend ako? Eh kung halikan kaya kita diyan?
" Wala. "
" I don't believe you. "
" Loko. Wala nga. Wala. As in, N-B-S-B. " hininaan ko ng konti ang boses ko dito. Nakakahiya kaya.
" Seriously? " nanlalaki ung mga mata niya.
" Isa pang tanong mo, sasapakin na kita. " Nakakasama na talaga to ng loob.
" Okay, sige. Why? " seryoso ba tanong niya?
" Ano'ng Why? "
" Bakit hindi ka nagka-boyfriend? " hindi tumitingin na sagot niya.
" Ayoko. At wala din kasi akong nagugustuhan. Basta. Wala. Bakit mo natanong? " balik-tanong ko.
" I'd like to apply. " simpleng sagot niya.
" Hindi kami hiring. "
" I don't mean your work. I'd like to be your boyfriend, Jinry. Manliligaw ako sa'yo. "
Saktong pagdating ng tren.
Dali-dali akong pumasok sa loob at lumayo sa kanya.
What on earth is going on here?
![](https://img.wattpad.com/cover/650189-288-k747763.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Two
Novela JuvenilAkiro was Jinry's first love, I guess until now kahit hindi sila nagkatuluyan.. si Aki parin ang mahal niya. Well, you guys have to find out kung anong kakahantungan ng kwento ng pag-ibig ni Jinry. Makuha din kaya siyang mahalin ni Akiro? *** don't...