Tiffany

128 2 8
                                    

Tinatamad akong kumain, pero pinilit ko parin. Mahirap pumasok ng kumakalam ang sikmura. Pero mas mahirap pumasok kapag masakit ang puso mo .... Charr!

Inayos ko na ang sarili ko bago ako pumasok. Hindi dapat nila mahalata na may alam ako. Tsaka ko nalang siguro sila kakausapin. For now, I had to think of a plan. 

Life must go on...

Naglalakad ako papasok ng school ng may makasabay akong babae.. 

Agaw atensiyon siya dahil sa hairstyle at kulay ng buhok niya. Pixie-like kung tama ako.

Tinitigan ko nalang siya. Maputi siya at makinis ang balat. GANDA!

" Excuse me. " sabi niya. Patay! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Baka akalain pa niya, lulu ako. Napansin ko na matinis ang boses niya. Confirmed! Koreana si ate. XD

" Ah. Yes? " ngumiti ako. I tried to be friendly pa rin kahit halatang hindi ako masaya.

" Why are you staring at me? "  

" Ah eh, I find your hair.. "

" what? weird? " 

" No. I find it extremely cute! "

Mukhang di siya kumbinsido sa sinabi ko pero honestly natutuwa ako sa kanya. I don't know pero para sa akin, I like her. 

" I would like you to be my friend. "

Napatanga siya sa harap ko na para akong alien. 

" Seriously, I want you to be my friend. "

Tinitigan muna niya akong mabuti bago siya sumagot.

" Are you out of your mind? "

Ngumiti ako sabay kibit-balikat. 

" I'm not sure. I think so. "

" Ganun ba. Ako rin eh, hindi ko alam kung matino pa ako. "

( O_O )

" Marunong kang magtagalog??????? "

*tawa.tawa*

" Oo. I'm half filipino-half korean. Haha. Nice meeting you! I'm Tiffany! Ikaw? "

" Jinry. "

*hugs*

" Thank You! Alam mo bang ikaw lang ang naka-appreciate sa akin. "

*patted her back awkwardly*

" Ikaw na ang bestfriend ko! "

?_?

loka-loka rin pala tong isang to. Ngayon lang kami nagkakilala tapos bestfriend na agad. Pero may nakita akong happiness sa mukha niya at sincerity kaya di ko na kinontra ang sinabi niya.

" Ano'ng section ka? " sabi ko habang naglalakad na kami papasok ng school.

" One. "

" sheesh. nakakahiya naman. "

" bakit? "

" Two ako eh haha "

" O ano naman? "

" Wala lang. " 

Napahinto ako ng makita ko si Akiro papasok. At.................................

may dalang flowers.. 

RED ROSES!

Awwwwww... >.< nalungkot naman daw ako bigla! :(

" Jinry bakit? "

Sinundan din ni Tiffany ang tinitgnan ko at nakita niya si Akiro. Tinapik-tapik nalang niya ang balikat ko. Sign of sympathy. Malungkot nalang akong ngumiti sa kanya. Buti pa siya, naintindihan agad. Posible kaya na maintindihan din ni Aya? Bahala na. 

" Tara na ?? "

 " Mauna ka na. Mamaya nalang siguro ako papasok. "

Ayokong maabutan ang eksenang naiisip ko. Hihintayin ko nalang ang eksaktong oras ng klase namin. Hindi naman ako masokista.. or whatever! Basta ayoko lang makita.

" Dito nalang din ako. Sasamahan kita. " 

Nagulat ako ng sumalampak ng upo si Tiffany sa harap ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. 

" Huyyy, anong ginagawa mo diyan? Tumayo ka. May makakita sayo sabihin nababaliw ka na. "

" Don't worry about me, sanay na akong sabihan ng baliw. "

Sumalampak narin ako ng upo. Tsaka nangalumbaba. Sa mga nakalipas na araw, nasanay na akong mangalumbaba. Kung nakakalugi lang ito, baka lubog na kami sa utang dahil sa pangangalumbaba ko. 

" Sino ba siya? "

" Di mo kilala? "

" Hindi eh. Transferee lang ako dito nung isang linggo. "

Kaya pala. Siguro wala pa siya nung mga panahon na kumakanta kami sa mga programs.

" Akiro. "

" Ex mo? "

" Hindi. First love ko. "

" Ah.. anyaree? "

" Ayun. basted. "

" Siya? "

" Ako. "

" Ikaw? "

" Oo. "

" Bakit? "

" Olats. Di ako type. "

" Weh? Di nga? "

" Kulet. Oo nga. "

" Sayang naman.. "

 Nakita ko na si Aya na papasok ng school. Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko.  Alam ko naman na ang mga susunod na mangyayari, hindi ko na maiiwasan yon. 

I was too busy to notice what Tiffany was doing. Namalayan ko nalang na lalapitan niya si Ayanna kaya hinabol ko siya. Hinila ko siya palayo. Buti nalang at di kami napansin ni Ayanna.

" Ano'ng gagawin mo? "

" Kakausapin siya. "

" For what? "

" For you. "

" You'll just waste your time Tiffany. Hayaan mo nalang sila. "

" But look at yourself, mukha kang ewan na nakatunganga lang sa kanila. Do you really wanted to feel that hopeless? That's so pathetic. "

Ouch..  May pagka-taklesa pala tong babaeng to.. Pero pinili ko nalang manahimik.

" Please. Gusto ko munang manahimik ngayon. Hahanap nalang ako ng tamang panahon. "

" Fine. Pasok nalang tayo. Pasensiya ka na sa sinabi ko kanina. Ganito lang talaga ako. Taklesa. "

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->> 

hehe. nalihis sa kwento yung gawa ko XD

eh naawa ako kay Jinry eh, wala siyang kakampi haha XD kaya nag-imbento ako ng isa pa.

The Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon